^

PSN Palaro

SUPERSTAR BUKAS

GAME NA! - Bill Velasco -
ATLANTA, Georgia - Napakasuwerte ng mahigit 200 batang naimbitahang sumama sa Adidas Superstar Camp sa Suwanee Sports Academy dito. Di lamang nila nakakalaban ang mga kapwa nila pinakamagagaling na high school basketball player sa mundo, marami silang nakakaharap na mga iniidolo at mapagpupulutan ng aral, mga aral na hindi mapapalitan ng anumang salapi.

Sa unang araw pa lamang noong Miyerkules (Huwebes na sa Pilipinas), nagsalita si George Karl, na 15 taon nang naging coach sa NBA. Sinabi ni Karl na dapat pahalagahan nila ang karanasang ito, at huwag lang isipin palagi ang salapi. Pinayuhan pa sila ni Karl na huwag balewalain ang plano para sa kinabukasan. Halos apat at kalahating taon lamang ang buhay ng isang NBA player, kaya dapat paghandaan ang pagkakataong mawawalan o maagawan ng trabaho.

Di rin sang-ayon si Karl sa pagpasok ng mga manlalarong nasa mataas na paaralan pa lamang sa NBA. Ayon sa kanya, daan-daang mga bata ang di makaunawa kung bakit nasawi ang kanilang mga pangarap, gayung handa naman diumano sila.

Samantala, tinuruan din ang mga bata ng tungkol sa paghaharap sa media. Ayon kay Kevin Bradbury ng Bradbury Sports, isang grupong may hawak sa maraming professional athlete sa America, kailangang laging handang humarap sa media ang isang manlalaro, kahit gaano kasama ang kanyang laro o pakiramdam. Aniya, hindi maiintindihan ng publiko ang pinag-ugatan ng anumang pagtatarang na gagawin mo sa harap ng kamera o mamamahayag. Ang makikita lamang ng mga tao ay ang bunga nito, parang pagputok ng bulkan na hindi nakikita ang pinagmulan.

Nagbigay-payo rin sa mga coach ang tanyag na coach na si Pete Newell.

Sinimulan ni Newell ang mga Big Man Camp sa Amerika, at kumalat na ito sa ibang dako ng mundo. Magugunitang dumating pa rito si Tom Newell, anak ni coach Pete, upang ituro sa mga sentro ng PBA at PBL ang kanyang nalalaman.

Maraming mga aral na tila napakasimple, pero malalim ang kahulugan para sa mga player.

Humarap din sa mga bata si Jay Williams, kasunod ni Yao Ming sa kanilang NBA draft noong 2002. Na kay Williams na ang lahat, katanyagan, salapi, at paghanga ng mga manonood. Nakuha ni Williams ang NCAA championship noong nasa Duke University pa siya noong 2001. Subalit, isang araw, lumabag siya sa mga patakaran ng kanyang kontrata, at sumakay ng motorsiklo. Habang pinaaandar niya ito, inakala niyang nasa "neutral" na ang kambyo ng motor, pero nasa fourth gear na pala. Sumalpok siya sa poste, at natigil ang paglalaro niya ng halos isang taon. Payo niya: Ipagpatuloy ang pagiging agresibo sa paghabol sa inyong mga pangarap, dahil mabilis rin itong mawawala. Binawi ng Chicago Bulls ang kontrata niya dahil sa paglabag niya dito.

Subalit ang pinakamatinding nagsalita ay si John Lucas. Kung di ninyo nalalaman, si Lucas ay naging College Player of the Year ng tatlong beses, at ipinagpipitaganang guwardya ng Houston Rockets. Subalit nalulong sa bawal na gamot si Lucas, at maging ang pagiging coach niya ay naglaho din. Habang nagsasalita si Lucas, tahimik ang lahat ng mga manlalaro, dahil sa lalim ng itinuturo niya. Sinabi ni Lucas na kailangang tuloy-tuloy ang sipag, hindi lamang sa umpisa, dahil patuloy ang pagtaas ng antas ng paglalaro, kahit kailan.

Ayon pa sa mga nagtuturo, lumalabas na maraming mga isyu ang mga bata na dinadala nila sa mga laro. Dapat ay maaaring ipagpa-liban itong mga ito hanggang sa matapos ang laro, kundi ay maguguluhan lalo ang mga bata.

ADIDAS SUPERSTAR CAMP

AYON

BIG MAN CAMP

BRADBURY SPORTS

CHICAGO BULLS

COLLEGE PLAYER OF THE YEAR

KARL

LUCAS

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with