^

PSN Palaro

3 Pinoy chessers nagtungo sa Spain

-
Tatlong Filipino chess players ang tumulak kamakalawa ng gabi sakay ng Air France upang makipagpigaan ng talento sa 2004 Balaguer International Open Chess Championship na susulong sa Hulyo 12-20 sa Balaguer, Spain.

Ang kampanya ng bansa sa nasabing kompetisyon ay babanderahan ng miyembro ng Vietnam Southeast Asian Games rapid gold medalist na si IM Jayson Gonzales, kasama sina IM Ronald Bancod at IM-candidate Yves Rañola.

Si Gonzales ay betaranong player sa mga international arena kung saan maraming beses na rin itong nanalo sa mga kompetisyon sa Amerika.

"Nawa’y ipagdasal ninyo po kami na makakuha kami ng Grandmaster results," wika ng enlisted member ng Philippine Army na si Gonzales na isa ring board 5 gold medalist sa 14th Asian Cities Chess Championships sa Tagaytay City.

Sa kabilang banda naman, sisikapin ng dating National Junior champion na si Rañola na makumpleto ang kanyang International Master status.

"Gagawin ko ang best ko para makuha ko na ang final IM results," pahayag naman ng dating national junior champion na kulang na lamang ng isang norm upang ganap na makuha ang kanyang IM title.

Samantala, minabuti na lamang nina IM-candidate Darwin Laylo; IM-candidate Rolando Nolte; NM Rolly Martinez at candidate master Roland Salvador na umatras sa Balaguer Open sa Spain upang sumabak sa kasalukuyang ginaganap na semifinal round ng 2004 National Chess Open na magsisilbing qualifying event para sa RP team na lalahok sa World Chess Olympiad sa Spain.

AIR FRANCE

ASIAN CITIES CHESS CHAMPIONSHIPS

BALAGUER INTERNATIONAL OPEN CHESS CHAMPIONSHIP

BALAGUER OPEN

DARWIN LAYLO

INTERNATIONAL MASTER

JAYSON GONZALES

NATIONAL CHESS OPEN

NATIONAL JUNIOR

PHILIPPINE ARMY

ROLAND SALVADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with