May kabuuang 24 mula sa pangunahing kompanya sa bansa ang lalaro sa corporate division, isa sa anim na events na nakalinya sa pagdaraos ng pinakamalaki at prestihiyosong badminton tournament na itinataguyod ng JVC. Lalaruin din ang centerpiece elite division, veterans, juniors celebrity at school team events.
May kabuuang P70,000 ang premyong nakalaan para sa corporate category kung saan ang kampeon ay tatanggap ng P30,000. Inaasahang hahadlang sa landas ng AB Leisure, PLDT at Meralco ay ang Pilipinas Shell, Philamlife, Del Monte, RCBC, Ford, Asian Development Bank, HSBC, JG Summit at Alaska. Kukumpleto sa cast ng corporate ay ang JVC Phils., Manila Bulletin, Chowking, Union Cement, New Zealand Milk Products, Jollibee, Citibank, Fujitsu, Shell Chemicals, Total, Prudential Life at The Philippine STAR.
Ang tournament proper ay nakatakda sa July 18-25 sa pagdaraos ng quarterfinal round sa Glorieta Activity Center sa Makati City kung saan may nakatayang P30,000 sa mens, womens at ladies singles sa elite category.