^

PSN Palaro

Maraming sayang kapag walang Game 5

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Itong araw na ito ang pinakahihintay ng milyun-milyong basketball fans.

Ito na ang pagkakataon para mag-champion na ang Barangay Ginebra.

Dalawang araw ng lumalabas na numero uno ang Channel 5 sa TV ratings. Halos lahat ng bahay, sa Ginebra vs Red Bull nakatutok.

Lalo ngayong Game 4. Tiyak na kahit dalawang Araneta Coliseum, kukulangin.

Yan ang epekto ng Barangay Ginebra sa buong Pilipinas.
* * *
Hula ng marami may Game 5 pa.

Sayang nga naman ang perang kikitain ng maraming tao.

Sayang ang commercials sa TV.

Sayang ang kikitain ng mga tindera sa paligid ng Araneta.

Sayang ang kikitain ng mga scalpers.

Sayang ang kikitain ng Araneta Coliseum.

Sayang ang kikitain ng mga magpapa-ending.

Sayang ang kikitain ng mga nagpupustahan.

Maraming sayang kapag nanalo ang Ginebra.

Kaya naman may mga nagdarasal rin na matalo ang Ginebra.

Kaya lang, mahirap talunin ang milyun-milyong Barangay Ginebra fans na nagdarasal na matapos ng Ginebra ang laro ngayong gabing ito.
* * *
Malaking bagay si Rodney Santos sa Ginebra.

Alam na alam ni Siot Tanquingcen na gamitin si Rodney.

Alam niya kung paano i-exploit ang championship experience ni Rodney.

Mula pa nung college sa San Sebastian Stags, sanay na sanay na itong si Rodney sa pressue ng finals.

Kaya ang mama, cool na cool at talaga namin very effective para sa Ginebra.

Mabuhay ka Rodney Santos!

Malaking bagay ka pag nag-champion ang Ginebra.
* * *
Si Jayjay Helterbrand naman ang sa palagay ko eh missing link ng Ginebra.

Grabe si Jayjay. Mahusay pala ngayon lang na-discover.

Mautak magdala ng bola, mahusay mag-deliver ng plays.

Very effective ang kumbinasyon nila ni Mark Caguioa.

Matatapos ang finals na ito, certified superstar na si Jayjay Helterbrand.
* * *
Panalo ang Mapua Cardinals sa JRU. Talo naman ang San Beda Red Lions.

Dahil diyan, 3-0 na ang Mapua, at naging 2-1 na ang San Beda.

Aba, aba. Namamayagpag na ang Mapua. Bongga!

Magandang abangan ang labanan ng San Beda vs Mapua.

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

CENTER

GINEBRA

KAYA

MAPUA

RODNEY SANTOS

SAN BEDA

SAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with