PBA Fiesta Conference: Ginebra kukunin na ba ang championships ?
July 7, 2004 | 12:00am
Pitong taon na ang nakakaraan nang huling makatikim ng titulo ang La Tondeña Franchise at pagkakataon na ngayon ng Barangay Ginebra na makapag-uwi ng titulo sa Philippine Basketball Association.
Kailangan lamang nilang tawirin ang 48-minutong hamon ng Red Bull bitbit ang panalo para tuluyang angkinin ang titulo ng Gran Matador PBA Fiesta Conference.
"Its not yet over till we get three wins. Its nice to be on top to 2-1 but if we loose our focus right now, it will be back to 0-0 and come down to one game," ani Ginebra coach Siot Tanquingcen.
Kung anong hirap ng Ginebra na makuha ang 2-1 bentahe sa best-of-five championship series matapos ang 94-84 panalo sa nakaraang Game-Three, inaasahang doble o triple pa ang kanilang daranasin ngayon dahil tiyak na magsasagawa ng malaking comeback ang Barakos lalo pat makakasama na nila ngayon si Jimwell Torion mula sa one-game suspension.
"Were expecting a guy who can put up points in the scoreboards be-cause thats what Jimwell Torion is and its gonna be tough," ani Tanquingcen na tiwala kina Jayjay Helterbrand, Aris Dimaunahan, Mark Caguioa at Rodney Santos para tapatan si Torion.
"Im not going to shortchange my guard be it Jayjay (Helterbrand), Aris (Dimaunahan ), Mark (Caguioa) or Rodney (Santos). Im not saying that they could shot him (Torion) down but they could more or less match up with him pretty well," wika ng 31-gulang na Ginebra mentor.
Tulad ng sinabi ni Tanquingcen, hindi pa tapos ang laban para sa Red Bull, ang koponang nakagawa ng di na mabilang na come-from-behind wins at minsan na ring nagsagawa ng malaking comeback sa finals nang sila ay mabaon sa 0-2 sa best-of-seven series ngunit nagawa nilang makabangon at kunin ang titulo noong 2001 Com-missioners Cup nang kanilang talunin ang San Miguel, 4-2.
"We have to carve it out again. We have to win two in arrow," ani Red Bull coach Yeng Guiao. "Definitely hindi pa tapos ang laban. I guess we are the comeback team of this tournament. Well see."
Sa pagbabalik-laro ni Torion na nasuspindi ng isang laro matapos ma-thrown-out noong Game-Two nang mahuli ito ng mga referee na dinagu-kan si Ginebra import Torraye Braggs, inaasahang magkakaroon ng karagdagang puwersa ang Barakos na hindi lamang naapektuhan ng pagkawala ni Torion sa Game-Three kundi pati na rin sa mga tawag at hindi naitawag ng mga referees na nakasira ng kanilang laro.
Kailangang matuto ang Barakos na maglaro na kalaban hindi lamang ang limang players ng Gin Kings sa court dahil bukod sa kalaban din nila ang crowd, hindi lahat ng ta-wag ng mga game officials ay laging pabor sa kanilang panig.
Kung mananalo ang Ginebra na babanderahan ni Best Player of the Conference Eric Menk at import Torraye Braggs kasama sina Mark Ca-guioa at Jayjay Helterbrand, maisusubi ng La Tondeña Franchise ang ikalimang titulo na huli nilang nakuha noong 1997 Commissioners Cup bilang Gordons Gin. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended