^

PSN Palaro

GenSan elims dinomina ng mas bata at promising runners

-
General Santos City-- Dinomina ng mga bata at promising runners mula sa South Cotabato ang Southern Mindanao regional elimination race ng 28th National Milo marathon dito sa City Oval Plaza.

Naorasan ng isang oras, 13 minuto at 14 segundo ang 19 year old na si Hernanie Sore ng Sto. Niño, South Cotabato, habang ang 21 anyos na si Monalisa Ambasa ng Suralla, South Cotabato ay nagtala ng tiyempong isang oras, 27 minuto at 10 segundo upang angkinin ang pangunahing karangalan sa 21 kilometer qualifying race para sa men’s at women’s division, ayon sa pagkakasunod.

Sina Sore at Ambasa, kapwa kumukuha ng criminology at middle distance varsity runners sa Rizal Memorial Colleges sa Davao City ay nag-uwi ng premyong P10,000 at bagong Globe Handy Phone. Bukod dito, kuwalipikado na rin sila sa Grand National finals sa Metro Manila sa Nobyembre 14 kasama ang second at thrid placer sa dalawang division.

"Sa umpisa pa lang naka-una na ako pero sumusunod sa akin si Sid (Isidro Vildosola) kaya lang naubos siya pagbalik sa finish line," ani Sore, na pumangatlo sa GenSan leg noong nakaraang taon.

Pumangalawa naman si Petronio Diaz, asawa ni Davao City leg defending champion Stella Mamac-Diaz at ikatlo si Vildosola. Pinagharian naman ng 21 anyos na si Stephen Brania at 17 year old Rose Diaz ang 5K fun run na nilahu-kan ng may 4,879 runners.

Sa kiddie age-group, nagwagi sina Kurt Gonzales at Joy Capaniarihan sa 9-under at Jimboy Ybañez at Eliza Luna sa 10-12 age-categories.

vuukle comment

CITY OVAL PLAZA

DAVAO CITY

ELIZA LUNA

GENERAL SANTOS CITY

GLOBE HANDY PHONE

GRAND NATIONAL

HERNANIE SORE

ISIDRO VILDOSOLA

JIMBOY YBA

JOY CAPANIARIHAN

SOUTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with