^

PSN Palaro

80th NCAA Basketball Season: Duwelo ng mga taga-Intramuros

-
Kapwa sariwa sa matagumpay na pagbubukas ng kanilang kampanya, sisikapin ng defending champion Cole-gio de San Juan de Letran at Mapua Institute of Technology na madugtungan pa ito at makisalo sa maagang liderato sa kanilang paghaharap na binansagang "Battle of Intra-muros" sa pagpapatuloy ngayon ng 80th NCAA season basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Ang laban ay itinakda sa ika-4 ng hapon, kung saan ang magwawagi ay makakasama ng pahingang San Beda College sa tuktok ng standings, habang ang hindi papalarin ay makakatamo ng kanilang unang sugat sa torneo.

Bago ito, magsasagupa muna ang San Sebastian College-Recoletos at host University of Perpetual Help Dalta System sa alas-dos na sultada ng mga opening day losers.

Ang Letran at Mapua ay nagposte ng magkaibang uri ng tagumpay noong Sabado. Ang Knights ay buong larong dinomina ang Philippine Chris-tian U tungo sa 84-76 desis-yon, samantala ang Cardinals ay nakipaggitgitan muna sa College of St. Benilde at nag-hintay hanggang sa kahuli-hulihang segundo bago naitakas ang 88-87 panalo.

Samantala, sa juniors, maghaharap ang SSC Staglets at Perpetual Altalettes sa ganap na 11:30 ng umaga habang sasagupain ng Letran Squires ang Mapua Red Robins sa ika-6 ng gabi. (Uat ni IAN BRION)

vuukle comment

ANG KNIGHTS

ANG LETRAN

BATTLE OF INTRA

COLLEGE OF ST. BENILDE

LETRAN SQUIRES

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MAPUA RED ROBINS

PERPETUAL ALTALETTES

PHILIPPINE CHRIS

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with