^

PSN Palaro

Hindi lamang basketball ang mainit kundi lahat ng UAAP sports

-
Mahigpit ang kompetisyon sa Season 67 ng University Athletic Association of the Philippines, ngunit hindi lamang sa magkakaribal na team sa basketball mararamdaman ang init kundi sa lahat.

Ibig sabihin ang init ay mararamdaman sa 26 events sa sports sa seniors, 9 event sa 7 sports disciplines sa juniors o high school division.

"It will be tough, it will be tight," ani Danny Jose, isa sa dalawang kinatawan -- ang isa ay si Lito Tanjuatco--sa UAAP board na siyang pangulo ng Season 67. "Not only do we expect competitions to be tough in men’s basketball, but in all disciplines as well."

Ang Season 67 ng UAAP ay magsisimula sa July 10 sa pamamagitan ng men’s basketball matches sa Araneta Coliseum. Ang De La Salle ang punong-abala ngayon at hindi muna ibinubunyag ang kakaibang programa sa opening day.

Akmang-akma ang mainit na laban bago ang kompe-tisyon at bibigyan ni Jose ng pruweba kung anuman ang dapat asahan sa season na dadalhin ang temang " Animo UAAP: Shooting For The Stars."

Ang eligibility ng atleta sa men’s basketball, women’s at boy’s maging sa men’s at women’s chess at volleyball ay tinalakay sa krusiyal na pagtitipon kahapon at ang ros-ters ay pinal na maaprobahan bukas (July 2).

Bukod sa basketball (men, women at boys) magdaraos din ng kompetisyon ang UAAP sa swimming, table tennis, volleyball at chess sa first semester ng bawat school year. Ang second semester sports ay ang athletics, badminton, baseball, fencing, football, judo, lawn tennis, softball at taekwondo.

AKMANG

ANG DE LA SALLE

ANG SEASON

ARANETA COLISEUM

BUKOD

DANNY JOSE

IBIG

LITO TANJUATCO

SHOOTING FOR THE STARS

UNIVERSITY ATHLETIC ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with