Ngunit mataas ang kumpiyansa ng UST netters, na mula sa kanilang matagumpay na title series, makaraang manguna sa elims at semis sa opensa, block, receiving at serve kung kayat mas piniling maging underdog ni La Salle coach Ramil de Jesus dito sa serye.
Ang gametime ay nakatakda sa ganap na alas-3 ng hapon at live na isasa-ere sa IBC-13.
Sa maraming nakapa-nood, balanse lamang ang duelo ng dalawang koponan kung saan naghati sila sa kanilang dalawang laro sa elims at nagposte ng magkatulad na bilang patungo sa finals ng torneong ito na itinataguyod ng Shakeys.
Napagwagian ng España-based spikers sa kanilang unang pagta-tagpo, 25-16, 25-20, 22-25, 25-17, noong nakaraang May 30 bago nakaganti ang La Salle sa isang come-from-behind na 19-25, 19-25, 25-13, 28-26, 15-13 tagumpay noong June 20.
Kasunod nito, pina-yukod naman ng UST ang Lyceum Lady Pirates, 25-17, 23-25, 25-21, 25-14, habang iginupo ng La Salle ang San Sebastian Lady Stags, 25-20, 27-25, 25-23, upang ma-sweep ang kanilang asignatura sa semis para sa inaa-sahang title showdown.
Maghaharap naman ang San Sebastian at Lyceum sa ganap na alas-5 ng hapon para sa ikatlong puwesto.