^

PSN Palaro

PBA Fiesta Cup: Talk N Text 3rd placer

-
Nabigo na sa kampeonato ang Talk N Text, hindi na pinayagan pa ni import Jerald Honeycutt sa makawala sa kanila ang konsolasyong third place sa Grand Matador PBA Fiesta Conference nang magpamalas ito ng triple double performance sa 113-104 panalo ng Phone Pals kontra sa Coca-cola sa kanilang knockout game kagabi sa dinayong Araneta Coliseum.

Tumapos si Honeycutt ng 30-puntos, humatak ng 20-rebounds at nagbigay ng 11 assists para sa Talk N Text upang kahit papaano’y makalimutan ang pagkatalo sa Barangay Ginebra sa best-of-three semifinal series, 1-2.

Kinokonsidera ni Talk N Text coach Joel Banal na isang magandang pangitain ang ikalawang sunod na third place finish na ito ng Phone Pals para sa pagdedepensa ng kanilang titulo.

"We won the All-Fili-pino Cup and we placed third twice, it’s a good sign," pahayag ni Banal na nakatutok na ang atensiyon sa kanilang pagdedepensa ng All-Filipino title.

Katulong ni Honeycutt si Asi Taulava na nagsumite ng kabuuang 32-puntos, sa pananalasa sa ikaapat na quarter kung saan may pinagsama ang dalawa na 22-puntos.

Kasalukuyang ginaganap ang Game-One ng inaasahang giyerang best-of-five titular showdown ng Gin Kings at Red Bull Barako habang sinusulat ang balitang ito.

Sinabi rin ni Banal na posibleng magdagdag sila ng player kung wala pa rin sa kondisyon ang nagrerekober pang si Harvey Carey mula sa kanyang injury, bago magbukas ang All-Filipino Conference.

Samantala, kinukuha ng Purefoods ang serbisyo ng kapatid ni Banal na si Koy Banal, ang coach ng Far Eastern University at ng PBL Unity Cup champion Viva-Mineral Water-FEU para maging coach ng TJ Hotdogs sa susunod na season.

vuukle comment

ALL-FILIPINO CONFERENCE

ARANETA COLISEUM

ASI TAULAVA

BARANGAY GINEBRA

FAR EASTERN UNIVERSITY

FIESTA CONFERENCE

GIN KINGS

GRAND MATADOR

PHONE PALS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with