^

PSN Palaro

80th NCAA Basketball Season: No.2 win nakataya sa laban ng SBU at JRU

-
Ang ikalawang sunod na panalo at pansamantalang pag-okupa sa tuktok ng liderato ang parehong puntirya ng San Beda College at Jose Rizal University sa kanilang pagtatagpo ngayon sa pagpapatuloy ng 80th NCAA season basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Ang laban ay itinakda sa ganap na alas-dos ng hapon, kung saan parehong manggagaling ang Red Lions at Heavy Bombers sa malalaking tagumpay noong opening day ng liga.

Gamit ang pinagsanib na pwersa mga beterano at baguhan ng koponan, ang Red Lions ay nagposte ng magandang season debut nang domi-nahin at silatin nila ang San Sebastian College-Recoletos, 76-68.

Sa naturang tagumpay, ang Mendiola-based squad, na ginagabayan ng bagong coach na si Nash Racela, ay pinangunahan nina James Hudencial, Ronnie Bughao, Alex Angeles at rookie Yousif Aljamal, na nagtala ng pinagsamasamang 48 puntos, 17 rebounds at 16 assists.

Ang apat, kasama ang lider na si Arjun Cordero ang siya muling inaasahang mangunguna sa Red Lions, na makikipagtisan sa Heavy Bombers, na nasa ilalim din ng bagong coach.

Sa pamumuno ng maiinit na kamay nina Wynsjohn Te, Jenciano Domangcas, McDo Santos at Michael Magtahao, ang JRU ay nagwagi kontra sa host University of Perpetual Help Dalta System, 72-61, pa-ra sa magandang pangtanggap nila kay coach Cris Calilan.

Samantala, maghaharap naman ang Philippine Christian University at College of St. Benilde sa isa pang seniors game sa ika-4 ng hapon, kung saan asinta ng Dolphins at Blazers na masungkit ang kanilang pambuenamanong tagumpay matapos ang bigong pagtatangka noong Sabado.

Ang Dolphins ay magbubuhat sa 84-76 pagyuko sa defending champion Letran Knights habang ang Blazers ay galing sa 88-87 pagkatalo sa Mapua Cardinals.

Sa juniors, magpapang-abot ang defending titlist San Beda Red Cubs at Jose Rizal Light Bombers sa ika-11 ng umaga habang magsasagupa ang PCU Baby Dolphins at CSB-La Salle Greenhills sa alas-6 ng gabi. (Ulat ni IAN BRION)

vuukle comment

ALEX ANGELES

ANG DOLPHINS

ARJUN CORDERO

BABY DOLPHINS

COLLEGE OF ST. BENILDE

CRIS CALILAN

HEAVY BOMBERS

JAMES HUDENCIAL

JENCIANO DOMANGCAS

RED LIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with