^

PSN Palaro

Red Bull o Ginebra?

SPORTS LANG - Dina Marie Villena -
Full house as in umaapaw sa puno ang Araneta Coliseum noong Linggo ng gabi sa do-or-die game ng PBA Fiesta Cup semifinals.

Ang resulta, maghaharap ang Red Bull at Barangay Ginebra sa finals ng transition tournament na ito ng PBA.

At dahil pumasok ang Ginebra gayundin ang Barakos, inaasahang mapupuno rin ang venues na pagdarausan ng best-of-five titular showdown ng dalawa.

At least dito man lang eh makabawi ang PBA.
* * *
Sa Miyerkules (bukas), magsisimula na ang titular showdown ng dalawang koponan.

Parehas ang laban ng dalawang ito sa paningin ng kani-kanilang mga fans. Ika nga pantay ang laban, walang liyamado at walang dehado. At sa best-of-five series na ito, tiyak na aabutin talaga ng Game 5 ang bakbakang ito.

So game na tayo sa Miyerkules, kanino kayo?
* * *
Sa pagkakapasok ng Ginebra sa finals, walang pagsidlan ng kaligayahan ang coach nito na si Siot Tanquingcen.

Kitang-kita sa kanyang mukha at naniningkit na mga mata ang kaligayahan noong Linggo ng gabi.

Eh sino ba naman ang hindi matutuwa? Isang malaking karangalan para sa isang batang coach na tulad niya ang malagay sa ganitong karangalan.

Sa kasalukuyan, si Siot ang pinakabatang coach na nasa kampeonato ngayon.

Well, kung hanggang saan aabutin ang kaligayahang ito ni Siot at ng Ginebra sana hanggang sa matapos ang series.
* * *
Kung dati-rati laging nabubulilyaso ang Red Bull na makatuntong sa finals gayung lagi silang top seed sa eliminations, ngayon naman ay dumaan sila sa butas ng karayom bago naabot ang puwesto sa finals.

Tila mas gusto ng Barakos na dumaan sa mahirap at matinik na daan bago tuluyang makuha ang isang karangalan.

Kunsabagay, mas masarap ang ganitong klaseng tagumpay ang dumaan muna sa hirap.

Di ba coach Yeng?

ARANETA COLISEUM

BARAKOS

BARANGAY GINEBRA

FIESTA CUP

GINEBRA

LINGGO

RED BULL

SA MIYERKULES

SIOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with