Shakey's V-League: Finals puntirya ng UST at La Salle
June 29, 2004 | 12:00am
Tangka ng University of Santo Tomas at La Salle na iselyo ang inaa-sahang showdown nilang dalawa sa womens volleyball crown sa kanilang pag-asinta sa ikalawang panalo kontra sa kani-kanilang laban sa semifinal round ng Shakeys V-League sa Lyceum gym.
Kinuha ng dalawang pinapaborang koponan ang magkaibang ruta tu-ngo sa paggawa ng parehong resulta sa opening ng kanilang kampanya sa semis noong Linggo nang lumusot ang Tigress sa mahigpit na hamon ng Lyceum, 25-20, 20-25, 25-19, 21-25, 15-6 victory.
Sa kabilang dako naman ang Lady Archers ay magaan na namayani kontra sa San Sebastian netters, 25-18, 22-25, 25-13, 25-7 sa kanilang best-of-three duel sa panimula ng semis ng event na iti-nataguyod ng Shakeys at suportado din ng Mikasa at Accel.
Tangka ng La Salle ang unang finals berth sa kanilang pang-alas-3 ng hapong engkuwentro na ipalalabas ng live sa IBC-13.
"Sana makuha na namin ito sa Tuesday," ani UST coach August Sta. Maria, na nangakong tatapusin ang host team nang walang tulong na magmumula sa kanilang top receiver na si Kate Co Yu Kang, na sumama sa national team na nakikipaglaban sa Princess Cup sa Thailand.
Inaasahang sasandal si Sta. Maria sa mahusay na grupo nina Mary Jean Balse, Joyce Pano, Venus Bernal, Anna Eliza Pulo, Vida Rina Gutierrez, Lourdes Palomo at Karen Co Yu Kang sa kanilang pang-alas-5 ng hapong duelo laban sa Lady Pirates, na nangakong babangon naman.
"Well make some adjustments," ani Lyceum mentor Emil Lontoc. "Sa nakikita ko may pag-asa naman kami against them, we just need to be consistent especially sa depensa."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended