Nasa ikaapat na taon na, unang idinaos ng JVC Badminton ang corporate competitions noong 2002 sa pamamagitan ng pag-iimbita, ngunit dahil sa dami ng nais sumali noong sumunod na taon ginawa itong open tournament at pinayagan ang lahat ng korporasyon na sumali na umabot sa record na 64 entries.
Ngayong taon, 32 teams lamang na may minimum na anim at maximum na 10 players bawat isa ang maari lamang lumaro sa main draw bagamat magkakaroon ng qualifying round sa ibang entries na nakatakda sa July 11-18 sa Powersmash.
May kabuuang premyo na P70,000 ang nakataya sa event na naglagay sa pinakamalaki at pinakaprestihiyosong corporate tournament sa bansa. Ang magkakampeon ay tatanggap ng P30,000 habang ang second at third placer naman ay P20,000 at P10,000 bawat isa ayon sa pagkakasunod.