Nagsanib ng puwersa ang dalawang sophomore na sina Jenciano Domangcas at Michael Magtahao para iangat ang Heavy Bombers sa mainit na pasimula habang isang malaking pagtakbo naman ang pinangunahan ng mga beteranong sina Wynsjohn Te at MacDonald Santos sa huling yugto upang pigilan ang pagbangon ng Altas at tuluyang sungkitin ang panalo, na naglagay sa kanila sa tamang landas sa kanilang misyong tapusin ang 32 taong pagkagutom sa titulo.
"Swerte lang, nag-step-up yung ibang mga players ko. Nakalusot kami kahit wala sina Marco (Fajardo) at Edward (Attunaga)," wika ng bagong JRU mentor na si Cris Calilan, na pumalit sa posisyon ni Boy de Vera.
Ang 2-time mythical team member na si Fajardo ay nakatamo ng sprain sa paa sa unang minuto pa lang ng laro at nagtala lamang ng 3 puntos ha-bang si Attunaga naman ay hindi nakasalang dahil sa kaparehong injury.
Sa ikalawang laro, isang 11-3 run ang pinakawalan ng San Beda College sa huling dalawang minuto upang pigilan ang malaking pagba-ngon ng San Sebastian College-Recoletos at hatakin ang 76-68 tagumpay. (Ulat ni IAN BRION)