^

PSN Palaro

PBA Fiesta Cup: Talk N Text humirit

-
Naging maluwag ang triple area sa Talk N Text na nagtala ng second all-time record na 17-triples upang igupo ang Barangay Ginebra sa Game-Two ng kanilang semifinal series, 116-106 at ipuwersa ang deciding game para sa nakatayang final slot ng Gran Matador PBA Fiesta Conference sa PhilSports Arena kagabi.

Nanguna si import Jerald Honeycutt sa pagpapaulan ng triples ng Phone Pals na kinapos lamang ng isa para pantayan ang all-time record na 18-made triples ng Presto sa Reinforced Conference noong 1989 sa kanilang 175-159 panalo kontra sa Alaska, matapos umiskor ng walong three-points para sa kanyang 38-point performance na naging susi pagtatabla ng best-of-three semifinals series sa 1-1 panalo-talo.

Sumegunda kay Honeycutt si Willie Miller na tumapos ng 26-puntos para sa Phone Pals na nakabawi sa kanilang 95-100 kabiguan sa Game-One ng semis series noong Miyerkules

Dahil dito, naipuwersa ng Talk N Text ang winner-take-all na game-three na gaganapin bukas sa Araneta Coliseum para malaman ang uusad sa best-of-five finals kung saan ang kanilang makakalaban ay ang mananalo sa sariling semis series ng Red Bull at Coke na kasa-lukuyang naglalaban kagabi ng kanilang Game-Two habang sinusulat ang balitang ito.

Bagamat napatalsik sa laro si Donbell Belano nang kanyang ma-tanggap ang ikalawang technical foul nang kanyang ibato ang bola matapos itong bumagsak sa rolling ad nang siya’y gitgitin ni Mark Caguioa. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

CARMELA V

DONBELL BELANO

FIESTA CONFERENCE

GAME-TWO

GRAN MATADOR

JERALD HONEYCUTT

PHONE PALS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with