Letran pinayuko ng La Salle
June 25, 2004 | 12:00am
Napagtakpan ng powerhouse La Salle ang maling panimula nang igupo nila ang Letran College, 10-25, 25-14, 25-16, 25-18, kahapon at palawigin ang kanilang kahanga-hangang pana-nalasa sa pitong panalo patungo sa semifinals ng Shakeys V-League sa Lyceum gym.
Mula sa bench, ibini-gay nina Nicole Ann Remulla at Maria Carla Llaguno ang pinaka-krusiyal na pananalasa nang patalsikin ng Lady Archers ang Lady Knights, na nagtapos na may 2-6 baraha, habang nakalibre naman ang Lyceum Lady Pirates at San Sebastian Lady Stags sa pag-usad sa susunod na round.
Bagamat nakatabla ang La Salle sa kanilang panalo sa University of Santo Tomas na may 7-1 records, uupuan ng Lady Archers ang No. 2 spot dahil sa mas mababang qoutient na tinapos nila.
Ang panalo ng palagiang NCAA winner na San Sebastian (3-4) kon-tra sa Far Eastern Univer-sity (1-6) na kasalukuyang naglalaro habang sinusulat ang balitang ito, ang magbibigay daan sa Mendiola-based belles na makalaban ang Taft-based netters at Lady Pirates kontra naman sa Tigress sa best-of-three semifinals simula sa Linggo.
Gayunpaman, ang kabiguan ay magpupu-wersa ng two-way tie sa ikatlong puwesto sa pagitan ng Lady Stags at Lyceum sa 3-5 baraha ngunit dahil tinalo ng huli ang una sa kapana-panabik na 11-25, 25-20, 25-21, 23-25, 15-10 decision noong June 15, ang host team ang ookupa sa No. 3.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest