Atin ngayong silipin kung anu-anong preparasyon ang dinaanan at kung gaano na kahanda ang walong eskwelahang kasali sa pamamagitan ng seryeng ito.
Subalit matapos ang malawakang pagbalasa at intensibong pagtuklas ng mga bagong talento, isa na muling malakas na puwersa ang Dol-phins at ito na marahil ang ginintuang pagkakataon nila upang makopo ang kauna-unahang kampeonato sa liga.
Unang lumahok noong 1996, ang pinakamalayong narating ng PCU ay ang Final Four na napasok nila noong 2002.
"This is the heart-fighting Dolphins. Gaya ng Detroit Pistons, this team will be anchored on defense," ang paglalarawan ng bagong coach na si Loreto Tolentino sa kanyang koponan.
Si Tolentino, na tatlong buwan pa lang ang nakararaan mula nang hawakan niya ang tropa kapalit ni Jimmy Mariano, ay nagsabi rin na walang iba kundi ang makamit ang titulo ang kanilang misyon sa kampanyang ito.
"I believe na lahat ng team ay may capability na mag-champion and were one of those na may malaking chance," aniya.
Inaasahang mamumuno sa Dolphins ay ang beteranong sina Robert Sanz, kasama ang mga sophomore na sina Ian Garrido, Ramon Retaga at Jason Castro.
Kasama pa rin sa koponan sina Carlos Cecilia, Yenz Salangsang, Michael Belga, Jamil Acraman, Jericho Gementiza at ang mga rookie na sina Derryl Santos, Lisztian Ampa-rado, Gabriel Espinas, Rene Cunanan, Dennis Bartolome, Joker Camson at Joel Solis.
"Nag-mature na itong team ko and I think were ripe na for the Final Four," ani Altas mentor Bai Cristobal. "But with San Sebastian and Letran still intact, dark horse pa rin kami."
Noong isang taon, ang Altas ay nagkaroon ng magandang pasimula, kung saan nagwagi sila sa una nilang dalawang laro. Subalit nabigo nila itong sustenahan at tumapos sila bilang ika-7 koponan, na may 6 na panalo sa 14 na asignatura.
Bilang paghahanda, ang UPHDS ay lumahok sa ibat ibang off-season tournament, partikular ang 58th National Students Basketball Cham-pionship kung saan tumapos sila bilang runner-up.
Pamumunuan ng beteranong si Marcel Cuenco, ang tropang ito ay puno ng solidong manlalaro. Makakatulong ni Cuenco sina Khiel Misa, Vladimir Joe, Rob Barn-son, at Dom Javier sa pagpapatakbo ng kanilang opensiba.
Ang mga dating Lyceum Pirates na sina Fritz Bauzon, Jon Refuerzo, at Dean Apor ang siyang mga baguhan sa tropa, na kinabibilangan din nina Wayne Santos, Dale Mendoza, James Quiazon at ang nagbabalik na si Ferdinand Ali-ali. (Ulat ni IAN BRION)