^

PSN Palaro

Fil-Am trackster di sigurado sa Manila leg ng Asian Grand Prix

-
Tila malabong makabalik sa bansa upang magpakitang gilas ang Fil-Am runner na si Kashus Perona para sa nalalapit na Manila leg ng Asian Athletics Grand Prix na gaganapin sa Hulyo 1.

Ayon sa Philippine Amateur Track and Field Association, kinukum-binse pa rin ni Perona ang kanyang pinagta-trabahuhan na telecom company na siya ay bigyan ng pagkakataon muli na bumalik sa Maynila upang sumali sa Grand Prix.

"Malalaman daw bago matapos ang linggong ito kung makakapunta si Kashus," ayon sa isang insider sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila. Nagwagi si Perona sa 400-meters sa katatapos lamang na National Open. Siya rin ay nanalo ng bronze sa 200-meters.

Ayon sa 26 anyos na si Perona, ang kanyang nuno na si Gregorio Perona ay ipinanganak sa Maynila "and is a pure Filipino."

Si Perona ay ang pambato ng Long Beach State U sa athletics. Sa katunayan, ang kanyang best time na 46.20 sa 400-meters ay ang pinakamabilis sa kasaysayan ng eskuwelahan.

ASIAN ATHLETICS GRAND PRIX

AYON

GRAND PRIX

GREGORIO PERONA

KASHUS PERONA

LONG BEACH STATE U

MAYNILA

NATIONAL OPEN

PERONA

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with