^

PSN Palaro

Para makalaban ni Barrera: Korean at Morales kaysa kay Pacquiao

-
Ngayong tinalo na ni Marco Antonio Barrera si Paulie Ayala, marami ang umaasa na mapapadali na ang negosasyon para makasagupa muli ni Barrera si Manny Pacquiao.

Kung iyan ang inaakala ninyo, kayo ay nagkakamali.

Matapos talunin ni Barrera si Ayala sa pamamagitan ng 10th round TKO sa Home Depot Center sa Carson, California, ay biglang lumitaw ang pangalan nina Injin Chi ng Korea at Erik Morales ng Mexico bilang mga kandidato para makalaban si Barrera.

Tila medyo nag-lie low ang pangalan ni Pacquiao dahil ang makapangyarihang promoter na si Bob Arum ang biglang nagsalita at nagsabi na malaki ang tsansa na iharap si Barrera kay Morales o di kaya’y kay Chi.

Bahagyang nabigla si Rod Nazario, business manager ni Pacquiao, sa pagpasok muli sa eksena ni Arum.

"Katatapos pa lang naman ng laban kaya’t hindi ko pa nakakausap si Murad Muhammad," wika ni Nazario kahapon.

Hindi makunan ng pahayag si Pacquiao dahil sa ito ay nagbabakasyon sa Thailand kasama ng kanyang asawa’t dalawang anak. Ang balik ni Pacquiao ay sa Biyernes pa.

Matatandaang tinalo ni Pacquiao si Barrera sa pamamagitan ng 11th round TKO sa Alamodome sa San Antonio, Texas, noong Nobyembre ng isang taon.

Ngunit nagdahilan si Barrera na wala umano siya sa tamang pag-iisip at ito ang naging dahilan kung bakit siya binugbog ni Pacquiao.

Kung papalarin ay gusto ni Nazario na magrambulan muli sina Pacquiao at Barrera sa Setyembre.

vuukle comment

BARRERA

BOB ARUM

ERIK MORALES

HOME DEPOT CENTER

INJIN CHI

MARCO ANTONIO BARRERA

MURAD MUHAMMAD

NAZARIO

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with