^

PSN Palaro

Viva Mineral Water nagsisimula pa lang

-
Simula pa lang ito.

Matapos ang tatlong komperensiyang paglahok sa Philippine Basketball League, pinatunayan ng Viva Mineral Water-FEU na tunay silang nabibilang sa liga at isa na sa mga pangunahing puwersa dito.

At mananatili ito.

Sa pagkopo sa kanilang unang titulo, ang 2004 Unity Cup, hindi nakamit ng Water Force ang kanilang minimithi kundi ipinakita din nila ang bagong formula para maging kampeon ‘ang solidong depensa’ ang mayamang karanasan at ang matatag na pananalig.

"Hindi ito basta dumating sa amin, pinaghirapan namin ito. We learned from our experience and we stayed positive all the time," wika ni coach Koy Banal matapos ang 60-55 panalo kontra sa Welcoat Paints kamakalawa, na nagbigay sa kanyang tropa ng 3-1 tagumpay sa best-of-5 finals series.

"I tell you walang superstar sa team na ito. Lahat kami pantay-pantay and we all made a commitment to play within the team concept," paliwanag ni Banal, na mayroon ding titulo sa UAAP, NCRAA, Champions League, UAAP-NCAA Bantay Bata Showdown at Uni-Games.

Patunay sa pahayag na ito ni Banal ay ang pagkakaroon ng Viva ng iba’t ibang manlalaro na nagniningning sa bawat laro.

Ang tournament MVP na si Arwind Santos ang siyang nanguna sa koponan sa eliminasyon at sa semifinals, kung saan ipinoste nila ang league-best na 13-3 rekord. Si Santos, katulong si Denok Miranda, ang siya ring nagbida sa 59-54 overtime win noong Game 1.

Matapos isuko sa Paintmasters ang ikalawang laro ng serye, 52-35, ang Water Force ay nakakuha ng natatanging performance mula kina Cesar Catli at Warren Ybañez upang angkinin ang Game 3, 66-64. Si Catli umiskor ng team-high 13 puntos habang si Ybañez at nagtala ng dalawang krusyal na steal sa huling minuto at nagbuslo ng game-winning free-throws.

Sa series-clinching win, ang Viva ay muling nakakuha ng magagandang laro mula kina Catli at Miranda subalit ang pinaka-sorpresang produksyon ay nagmula sa rookie na si Neil Raneses, na kumana ng career-high 12 puntos, kabilang ang 5 sa pivotal na huling yugto ng laro.

Matapos ang ilang araw na pamamahinga at paglasap sa tamis na dulot ng tagumpay na ito, ang karamihan sa mga manlalaro ng koponan, kabilang si Banal, ay maghahanda para sa UAAP, at pagsapit ng Nobyembre, sa pagbubukas muli ng PBL, tatangkain ng Water Force na dugtungan ang kanilang pagluklok sa trono ng liga. (IAN BRION)

ARWIND SANTOS

BANTAY BATA SHOWDOWN

CESAR CATLI

CHAMPIONS LEAGUE

DENOK MIRANDA

KOY BANAL

MATAPOS

NEIL RANESES

WATER FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with