Paragua, Dobleo sasabak sa World Chess Championships
June 20, 2004 | 12:00am
Kahit walang pamasahe, nagawa pa ring makarating nina Mark Paragua at Ronald Dableo sa World Chess Championhips.
Napilitan si Paragua, may ELO rating na 2529 at Ronald Dableo, ELO 2426, na mangutang para makabili ng kanilang ticket patungo sa Tripoli, Libya kung saan ginaganap ang World Chess Tourney.
Nagsimula na kahapon ang torneo kung saan inaasahang mapapasabak ang dalawang manlalaro ng bansa.
Muntik nang di makarating sa prestihiyosong torneong ito ang dalawang Filipino chess icons dahil hindi pa diumano naire-release ang kanilang pondo para sa biyaheng ito ng Philippine Sports Commission.
Sa iba pang balita, maraming de-kalibreng players ang hindi lumahok sa torneong ito dahil sa ibat ibang kadahilanan.
Kabilang sa mga ito ang defending champion na si Ruslan Ponomariov ng Ukrain dahil hindi nagustuhan ang kontrata at ang treatment sa mga Israeli players na hindi inimbitahan sa torneo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended