^

PSN Palaro

PBA Fiesta Conference: Taulava,Honeycutt sinuspindi na,pinagmulta pa

-
Hindi lamang sinuspindi ng isang laro kundi pinatawan pa ni PBA Commissioner Noli Eala ng tinatayang P80,000 hanggang P100,000 sina import Jerald Honeycutt at Asi Taulava ng Talk N Text kahapon matapos ang bench clearing incident sa kanilang nakaraang laban sa US Pro-Am team kamakalawa.

Ito ang napagdesisyunan ng PBA chief matapos dinggin ang paliwanag nina Honeycutt at Taulava at matapos rebisahin ang game-tape.

Tinatayang di bababa sa P40,000 at di tataas sa P50,000 ang ipinataw na multa ni Eala kay Taulava matapos nitong sikuhin si Rick Scott.

Dalawang violation naman ang nagawa ni Honeycutt kaya tinatayang P50,000 hanggang P60,000 ang kanyang fine. Bukod sa body contact ay binalibag din ni Honeycutt ang bola kay Michael Crotty.

"Taulava and Honeycutt were both apologetic and they admitted their mistakes," ani Eala. "But their actions were both unjustifyable so we have to impose fines and suspensions."

Hindi makakalaro sina Taulava at Honeycutt sa laban ng Phone Pals kontra sa Red Bull sa Sabado kung saan madedetermina ang kanilang puwesto patungong best-of-three crossover semifinals.

Pinarusahan din ni Eala si referee Patrick Canizares dahil nabigo nitong kontrolin ang sitwasyon kaya nagkaroon ng kaguluhan, may 5.9 segundo na lamang ang natitirang oras sa laban bagamat sigurado na ang 110-95 panalo sa Phone Pals.

Pinaalalahanan din ni Eala ang US Pro-Am team na pinangungunahan ni coach Malcolm Smith na nasangkot din sa kaguluhan kaya ito napatalsik sa laro, na kailangan nilang sumunod sa mga alituntunin ng PBA kahit guest team lamang sila.

ASI TAULAVA

COMMISSIONER NOLI EALA

EALA

HONEYCUTT

JERALD HONEYCUTT

MALCOLM SMITH

MICHAEL CROTTY

PATRICK CANIZARES

PHONE PALS

TAULAVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with