^

PSN Palaro

MY Games suportado ng Division of City Schools

-
Ibinigay ng Division of City Schools ng Manila ang kanilang buong suporta sa pagtatanghal ng 3rd Manila Youth Games (MY Games) na nakatakda sa June 27 hang-gang July 4 sa makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex.

Sa memorandum na pinirmahan ni Schools Dvision superintendent Dra. Luisa S. Quinones sa lahat ng principals at supervisors ng 130 paaralang pampubliko sa buong Maynila, ang mga student athletes na lalahok sa 3rd MY Games ay excuse sa kanilang klase sa isang ling-gong multi-event competition.

"Through the MY Games, we hope that we are fulfilling our contribution to the national sports development agenda while providing the Manila’s youth a wholesome endeavor that will help mold them as assets of society," ani Manila mayor Lito Atienza.

"In line with our Buhayin ang Maynila program, the city government has relentlessly promoted a sports development thrust for the youth in the firm belief that physical fitness is a vital part of education," dagdag ng Mayor.

Kahit na ang National Colle-giate Athletic Association (NCAA) ang pinakamatandang collegiate league sa bansa, ay nangako din ng partisipasyon ng kanilang junior athletes mula sa Manila sa event, na kumuha ng suporta kina chairman Eric Buhain ng Philippine Sports Commission at Chairman Efraim Genuino ng Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Lahat ng 897 barangay sa buong Maynila ay kakatawanin ng may humigit-kumulang sa 8,000 children-athletes na may edad 15 anyos pababa ang inaasahang sasali sa MY Games na magsisilbing quali-fying event ng piling-pili na batang atleta na bubuo sa Philippine delegation sa 2004 International Children’s Games sa Cleveland, Ohio sa July 29 hanggang Agosto 2.

Pinasalamatan ni Arnold ‘Ali’ Atienza, anak ng Mayor at chairman ng Manila Sports Council (MASCO) si Dra. Quinones. "We envision the 3rd MY Games to kick off another chapter in Manila’s sports history and we thank the leadership of the Division of City Schools for cooperation, which we expect will help ensure the success of this year’s edition of the Games."

ATHLETIC ASSOCIATION

CHAIRMAN EFRAIM GENUINO

DIVISION OF CITY SCHOOLS

DRA

ERIC BUHAIN

GAMES

INTERNATIONAL CHILDREN

LITO ATIENZA

LUISA S

MANILA

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with