Cuban boxers pa rin ang hadlang sa Athens Olympics
June 16, 2004 | 12:00am
Magiging mabigat ang banggaan sa boxing event ng Athens Olym-pics sa Agosto matapos magpakitang gilas ang mga Cubano sa isang katatapos na tournament na ginanap mismo kung saan maglalaban-laban ang mga boxers ng buong mundo.
Ang Peristeri Hall sa Athens ang naging saksi sa pananalasa matapos walo sa sampung Cubano na pumasok sa finals ang nagsipanalo ng ginto sa isang pre-Olympic tournament.
Kabilang sa mga nagsipagwagi ay sina lightflyweight Ian Bartelemy, fly Yuriokis Gamboa, welter Mario Kindelan at middle Lorenzo Aragon.
Ang mga ito ay maaaring makasagupa nina Harry Tanamor, Violito Payla, Rome Brin at maging si Cris Camat.
Ginanap ang paboksing nito lamang Mayo 26 hanggang 31 at ito ay sinalihan ng 79 boksingero mula sa 24 na bansa kabilang, ang USA, Canada, Mexico, Turkey, Azerbaijan, Kazakshtan, Thailand at ang Korea.
Ang mga Pilipino ay kasalukuyang nagha-handa sa dalawa pang tournament sa Europa bago ang mga ito ay tutulak patungong Greece.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended