Pinoy nagkasya na lang sa 3 bronze
June 13, 2004 | 12:00am
USTI NAD LABEM, Czech Republic--Nakuntento na lamang sa tatlong bronze medal ang RP Alaxan FR Boxing Team nang lahat ng tatlong Pinoy ay natalo sa kanilang semifinal bout sa Usti Nad Labem International Boxing Championships dito.
Binuksan ni Cuban Bartelemiyan Varela ang kabiguan ng Pinoy nang igupo niya ang lightflyweight na si Harry Tanamor, 24-22, sa mainitang laban kung saan nasasihan na kapwa nagpalitan ng head blows ang dalawang boksingero.
Sinundan ang kabiguan na ito ni flyweight Violito Payla na yumuko naman kay Russian Alexander Afanasiev, 28-25 bago tinapos ng Cuban na si Guillermo Rigondeaux si bantamweight Joan Tipon, 30-25.
"Talagang ganyan. Napakalakas ng mga kalaban dito. Pero aalis kami na nakataas ang noo dahil lahat ng mga bata natin, lumaban ng pukpukan. Puro dikit ang laban nila at mga papunta rin sa Athens ang mga Cubano na nakalaban nila," ani RP coach Boy Velasco.
Idiniin din ni Velasco na ang kabiguan sa quar-terfinals nina lightwelterweight Romeo Brin at middleweight Christopher Camat ay dapat ipagmalaki ng mga Pinoy.
Sina Brin at Camat ay kapwa nagpapagaling pa galing sa trangkaso ngunit hindi naging hadlang ito para sa kanilang pag-akyat sa ring at ituloy ang laban.
Ang koponan na ipinadala dito sa pamamagitan ng suporta ng Alaxan FR, Philippine Sports Commission, Accel, Family Rubbing Alcohol at Pacific Heights, ay tutungo sa ikalawang yugto ng kani-lang pinal na preparasyon para sa Athens Olympics.
Ang limang boksingero at dalawang coach ay pupunta sa Romania para sa Golden Belt tourney sa June 15-20.
Pagkatapos ng hostilidad ng Golden Belt pupunta naman sila sa international training camp sa Plovdiv, Bulgaria sa June 21-hanggang July 16 bago isara ang kanilang dalawang buwang biyahe sa isa pang partisipasyon sa international training camp sa Bugeat, France sa July 17 hanggang Aug. 5.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended