Shakey's V-League
June 9, 2004 | 12:00am
Tinabunan nina Mary Jean Balse at Joyce Pano ang pagkawala ng kanilang ace spiker upang mapanatili ng University of Santo Tomas ang kanilang kapit sa liderato makaraang igupo ang San Sebastian College, 28-26, 25-22, 26-24, kahapon upang palawigin ang kanilang panalo sa apat sa Shakeys V-League sa Lyceum gym.
Pinunan nina Balse at Pano ang hindi paglalaro ng lead hitter na si Venus Bernal nang paulanan nila ang kalaban ng malulutong na kills upang pangunahan ang España-based netters sa kanilang ikaapat na sunod na panalo at patatagin ang kapit sa liderato.
Naging mahigpit ang laban bagamat umabot lang ito sa tatlong set.
Naglaro ng wala ang kanilang top setter na si Ma. Elena Mayo, na may tigdas at ilaglag ang Lady Stags sa 14-20 sa simula, bumangon ito sa dalawang puntos bago gumawa ng krusiyal na kamalian na nagbigay sa Tigress ng set at 1-0 abante.
Hindi rin nabago ang ikalawang set nang rumagasa ang UST belles sa 19-14 panimula bago muling bumangon ang Mendiola-based lady spikers at itabla ang iskor sa 22-all bago isinelyo ni Balse, ang rookie transferee mula sa Davao ang malaking 3-0 panalo sa tulong ng ace para sa commanding 2-0 bentahe.
Nagpakawala ang power-hitting pair nina Angela Descalsota at Jinni Mondejar nang smash nang kunin ng San Sebastian ang 8-1 bentahe sa ikatlong set. Ngunit bumalikwas uli ang Tig-ress tulad nang inaasa-han kung saan kinontrol ni Pano ang net sa pama-magitan ng solidong kills para iselyo ng UST ang panalo.
Ngunit muling nag-tangka ang Lady Stags sa apat na puntos upang muling itabla ang iskor sa 24-all bago winakasan ni Pano ang laro sa tumagal ng isang oras at 18 minutos.
Bagamat talunan, nasiyahan si San Sebastian mentor Rogelio Gora-yeb sa nilaro ng kanyang team.
Sinuportahan ni Balse si Pano nang humakot ito ng 13 puntos kabilang na ang tatlong off blocks at 2 aces habang nagdagdag naman ang magkapatid na Kate at Karen Co Yu Kang ng 10 mula sa atake.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended