^

PSN Palaro

6 na batang gymnast pa-Russia

-
Anim na mga batang gymnast ang aalis ng bansa patungong Yakutsk Russia upang lumahok sa "3rd Chilldren of Asia International Sports Games sa July 23-30.

Ang maliit na RP contingent ay binuo ng 3 lalaki at 3 babae--lahat ay junior players -- na kasalukuyang nagsasanay sa Gymnastics Association of the Philippines gymnasium sa Rizal Memorial Sports Complex.

Ang anim ay sina 15-year old Frederick Rocas at Joven Estera at 16-year old Kris Matthew Lombridas (boys), 13-year old. Ma. Kristine Raisa Saguisag at Patricia Kathryn Paraso at 14-year old Emille Christa Santos.

Sila ay sasamahan nina coach Sonny Ty at Tony Valenzuela.

Sina Rocas, Estera at Lombridas, na pawang mga estudyante ng University of the East (high school) ay lalahok sa floor exercise, pommel horse, rings at horse vault, habang sina Saguisag, Santos at Paraso ay magpapamalas ng kanilang husay sa floor exercise, balance beam, uneven bars at horse vault.

Ang paglahok ng mga batang gymnast sa Russia ay suportado ng Philippine Sports Commission.

Bukod sa Pilipinas magpapadala din ng team ang Asia-Pacific countries na tulad ng Bangladesh, Bhutan, Cambodia, China, Cyprus, India, Indonesia, Iran, Japan, South at North Korea, Laos, Malaysia, Mongolia, Myanmar, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Thailand, Turkey at Vietnam.

Nasa listahan ang ilang Asian republics ng Azerbaijan, Armenia, Georgia, Kazak-hstan, Kyrgyzhtan, Tajikistan, Turkmenistan at Uzbekistan at mga probinsiya ng Russia, kabilang na ang host Yakutsk, na may dalawang team.

Ang paglahok ng mga batang gymnast na ito sa Russia ay magiging basehan din ng kanilang pagsama sa national gymnast team na lalahok sa 2005 SEA Games.

CHILLDREN OF ASIA INTERNATIONAL SPORTS GAMES

EMILLE CHRISTA SANTOS

FREDERICK ROCAS

GYMNASTICS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

JOVEN ESTERA

KRIS MATTHEW LOMBRIDAS

KRISTINE RAISA SAGUISAG

NORTH KOREA

PATRICIA KATHRYN PARASO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with