PBL Unity Cup: Importanteng panalo para sa Hapee vs Viva
June 8, 2004 | 12:00am
Do-or-die, wala ng bukas, win or go home.
Ito ang mga katagang lalarawan sa sitwasyon ng Hapee Toothpaste na ngayon ay aasinta para sa napaka-importanteng panalo laban sa Viva Mineral Water-FEU sa pagtatapos ng semifinals ng Philippine Basketball League 2004 Unity Cup sa Pasig Sports Center.
Ang laban ay itinakda sa ika-4 ng hapon, kung saan kinakailangan ng defending champion na igupo ang Viva upang makapuwersa ng playoff laban sa Welcoat Paints para sa ikalawang upuan sa kampeonato sa bisa ng 4-of-6 incentive rule.
Mula sa bingit ng eliminasyon, ang Teeth Sparklers ay umahon sa pamamagitan ng pagwawagi nito sa nakalipas na tatlong asignatura, na nagpalawig sa kanilang rekord sa 8-7.
Ang Welcoat, tangan ang 9-6 marka, ay naka-sisiguro na ng playoff anuman ang mangyari sa kanilang pakikipagtagpo sa Toyota Otis-Letran sa unang sultada sa alas-dos.
Ang gapihin ang koponang hindi pa nila natatalo mula noong elimination phase ang tanging paraan ng Hapee upang makapasok sa kampeonato sa ika-4 na sunod na pagkakataon at maisakatuparan ang misyong pagharian ang liga sa ikatlong sunod na kumperensya.
Sapagkat ang kabiguan ay maglalaglag sa Teeth Sparklers sa kon-tensyon para sa titulo, na magbibigay daan sa Water Force-Paintmas-ters best-of-5 title showdown, na mag-uumpisa sa Sabado
Subalit kung magtata-gumpay ang Hapee, ang playoff match ay gaga-napin sa Huwebes.
"All-out na ito. We have to give our very best. Balewala yung lahat ng pinaghirapan namin if we lose this game," wika ni Teeth Sparklers mentor Junel Baculi, na muling sasandig sa kanyang mga pangunahing manlalaro, partikular sa rookie na si Reed Juntilla, ang bayani sa kanilang pinakamahabang winning streak sa torneo.
Bagamat wala nang gaanong epekto anuman ang maging resulta ng laban nilang ito, inaasahang ibubuhos pa rin ng Welcoat ang kanilang buong lakas upang pabagsakin ang Toyota.
"Mabuti na yung galing kami sa panalo para maganda yung momentum whether we go to playoff or sa finals," ani Paintmasters rookie coach Caloy Garcia.
Ang Knights ay magtatangka na lamang pagandahin ang kanilang 5-10 marka at wakasan ang kanilang kampanya sa mataas na nota. (Ulat ni IAN BRION)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended