^

PSN Palaro

Red Bull lusot sa quarterfinals

-
Halos imposible na ang panalo para sa Red Bull na nabaon sa 20 puntos ngunit isang ‘himala’ ang nangyari kagabi nang maagaw ng Barakos ang 83-82 panalo kontra sa Shell sa kanilang knockout game sa wild card playoffs ng Gran Matador-PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Naging instrumento sa ‘himala’ si Junthy Valenzuela na umiskor ng pampanalong freethrows at gumawa ng crucial blocks para sikwatin ang panalo sa Turbochargers na nag-sulong sa kanila sa quarterfinals.

Mula sa 20 puntos na kalamangan ng Shell, 76-56 sa kaagahan ng ika-apat na quarter, nalimitahan sa anim na puntos ang Turbochargers na naapektuhan sa maagang foul-trouble ni import Jameel Watkins na siyang dahilan ng kanyang maagang pagkakafoul out.

Sa pagtitiyaga ng Red Bull, unti-unti silang nakalapit at tuluyang nakuha ang momentum nang mapatalsik si Watkins, 2:54 pa ang nalalabing oras sa labanan.

Buong larong hawak ng Shell ang trangko hanggang sa umiskor si import Victor Thomas ng basket at disgrasyang na-foul ni Tony dela Cruz si Valenzuela na tumuntong sa freethrow line.

Kapwa ipinasok ni Valenzuela ang dalawang bonus shot na nagkaloob sa Barakos ng trangko sa kauna-unahang pagkakataon, 83-82, 9.1 segundo na lamang ang nasa tikada.

Tuluyang nakumpleto ng Red Bull ang malaking comeback win na ito nang masupalpal ni Valenzuela ang jumper ni Chris Jackson para umusad sa susunod na round.

Mapapahanay ng Group A sa quarterfinals ang Red Bull kung saan maka-kasama nito ang automatic qualifier na San Miguel, Talk N Text at ang US Pro-Am Selec-tion.

Sa Group B naman mapapasama ang ma-nanalo sa Sta. Lucia Realty-Ginebra na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito, ang Alaska, Coca-cola at University of British Columbia.

ARANETA COLISEUM

BARAKOS

CHRIS JACKSON

FIESTA CONFERENCE

GRAN MATADOR

GROUP A

JAMEEL WATKINS

JUNTHY VALENZUELA

RED BULL

VALENZUELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with