PBA Fiesta Conference: Coke pasok na
June 6, 2004 | 12:00am
Matapos mabigo sa unang pagkakataon, hindi na pinakawalan pa ng Coca-cola Tigers ang sumunod na tsansang makausad sa quarterfinal round nang pabagsakin nila ang Purefoods TJ Hotdogs na nagparada pa ng bagong import sa pamamagitan ng 94-92 tagumpay sa pagsisimula ng wild card phase ng Gran Matador-PBA Fiesta Conference sa PhilSports Arena, kagabi.
Umangat si Jeffrey Cariaso sa krusiyal na labang ito sa pagkamada ng kabuuang 30 puntos upang pantayan ang mainit na performance ni James Head na dumating sa bansa para sana isalba ang TJ Hotdogs.
Makakasama ng Tigers sa susunod na round ang San Miguel Beer at Alaska Aces na awtomatikong naka-usad sa quarterfinals kung saan papasok naman ang dalawang dayuhang team.
Kahit kararating lamang ni Head kahapon ng madaling araw para palitan si Joe Zaletel, hindi inalintana nito ang jetlag bunga ng mahabang biyahe mula sa US para sa kanyang 25 point performance.
Ngunit kinapos ang kanyang pagsisikap na siyang dahilan ng maa-gang pagbabakasyon ng Purefoods.
Sa tulong ni Head, dating import ng Alaska, nagkaroon pa ng tsansa ang TJ Hotdogs na makahirit ng sudden-death match para kumpletuhin ang dalawang panalong kailangan laban sa Tigers na may twice-to-beat advantage, nang idikit ni Head ang iskor sa 85-80 sa pamamagitan ng tres, 47.6 segundo na lang ang nasa orasan.
Ngunit isang jumper ang kinana ni Johnny Abarrientos para sa mas maluwag na 90-85 kalamangan ng Tigers, 28 s-gundo na lang ang nasa tikada.
Magpapatuloy ang aksiyon sa Araneta Coliseum sa dalawa pang knockout games sa pagitan ng Shell at Red Bull sa alas-4:10 ng ha-pon na susundan naman ng laban ng Sta. Lucia at Ginebra sa alas-6:30 ng gabi.
Samantala, habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban naman ang Talk N Text at FedEx kung saan ang Phone Pals naman ang may bentaheng twice-to-beat. (Ulat Ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended