^

PSN Palaro

PBA Fiesta Conference: Wild card phase sasambulat

-
Makatulong kaya sa Purefoods ang pahabol na pagpapalit ng import?

Sa pagbubukas ng wild card phase ng PBA Gran Matador Fiesta Conference ngayon, isasalang ng TJ Hotdogs ang kanilang bagong reinforcement sa kanilang pakikipagharap sa Coca-cola sa alas-4:10 ng hapon sa PhilSports Arena.

Sumugal ang Purefoods na nagtapos bilang kulelat sa eliminations (4-14), kay James Head, naging import na ng Alaska, para pumalit kay Joe Zaletel. "Walang ganang maglaro ang mga local kay (Joe) Zaletel, kaya sumugal na kami dito kay Head," ani Purefoods head coach Ryan Gregorio.

Ngunit ang malaking katanungan ay kung maibibigay ni Head ang kinakailangan tulong ng TJ Hotdogs lalo pa’t matarik ang kanilang daang tatahakin patungo sa quarterfinals dahil dalawang panalo ang kanilang kailangan para makausad sa susunod na round bunga ng taglay na twice-to-beat advantage ng Tigers tulad ng Talk N Text na sasagupa naman sa FedEx sa ikalawang laro sa alas-6:30 ng gabi.

Ito’y dahil hindi nakarating sa inaasahang oras si Head at ayon kay Gregorio, inaasahan ng Purefoods na dumating ito kaninang madaling araw kaya siguradong may jetlag pa ito sa kanilang laban kontra sa Coke.

Kung hindi makarating si Head, obligadong lumarong All-Filipino ang Purefoods dahil nakapag-bigay na sila ng notice sa PBA na magpapalit na sila ng imports at kung magkakagayon ay halos sigurado na ang Tigers sa quarterfinals.

"Our latest word was he already boarded the plane, but until I see him in the airport, I won’t believe," ani Gregorio.

Bagamat isang panalo lamang ang kailangan ng Coke tulad ng Phone Pals, magiging malaking palaisipan sa Tigers si Head na kagagaling lamang sa kanyang stint sa Wildfire sa USBL , naglaro din sa Great Lakes Storm at Sioux Falls Skyforce sa CBA.

Dahil gamay na ng Tigers ang kanilang import na si Mark Sanford, malaking bentahe na ito para sa kanila kahit pa hindi pa lubusang gumagaling ang injury sa magkabilang tuhod ng kanilang reinforcement.

Kung mananalo ang Coke at Talk N Text, makakasama nila sa quarterfinals ang San Miguel at Alaska na nakakuha ng awtomatikong quarterfinal slot kung saan papasok ang dalawang foreign team na University of British Colombia at ang isa ay hindi pa sigurado kung US NCAA selection, club team mula sa Italy o isang USBL team.

Nakuha ng Alaska ang huling awtomatikong quarterfinal slot matapos ang 90-75 panalo kontra sa Tigers sa kanilang play-off noong Miyerkules kaya bumagsak sa wild card playoffs ang Coca-cola.

Sa knockout matches na gaganapin bukas sa Araneta Coliseum, mag-lalaban naman ang Red Bull at Shell gayundin ang Sta. Lucia at Ginebra.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

GRAN MATADOR FIESTA CONFERENCE

GREAT LAKES STORM

GREGORIO

HEAD

JAMES HEAD

JOE ZALETEL

KANILANG

PUREFOODS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with