^

PSN Palaro

Torres,Melgar katangi-tangi ang performance

-
Naging maaliwalas ang kalangitan para kina Marestella Torres at Mary Grace Melgar kahapon dahil sa kanilang katangi-tanging performance na naging kabaliktaran ng makulimlim na kampanya ng beteranong si Lerma Bulauitan-Gabito sa ikatlong araw ng aksiyon sa National Open Invita-tional championship sa Rizal Memorial Track Oval.

Isang record breaking performance ang ipinamalas ng Armymen na si Torres para sa kanyang ikalawang gintong medal-ya sa torneong ito, habang si Melgar naman ang kauna-unahang triple gold medalists matapos magsukbit ng dalawang ginto.

Kumuha ng gold ang Navymen na si Mary Grace Melgar mula sa 400m at sa 400m hurdles dagdag sa kanyang kontribusyon sa 4x100 relay kamakalawa kasama sina Elma Muros-Posadas, Julius Rose Forbes at Nhe Ann Barcena.

Nagsumite si Melgar ng 55.70 segundo para sa kanyang ginto mula sa 400m run kung saan tinalo nito sina Michelle Tibagacay ng University of Baguio (1:01.02) para sa silver at Diwata Pelaez ng UST (1:01.44) para sa bronze, habang nagtala naman ito ng 100.06 minuto sa 400m hurdles na sinundan ng kanyang kasamahang si Forbes (1:04.47) na nakasilver at Lisa Casana ng Univ. of Luzon (1:09.02) para sa bronze.

Matapos sumungkit ng gintong medalya ang Private First Class ng Philippine Army na si Torres, lumundag ito ng 12.67m sa women’s triple jump para sa bagong RP record.

Hinigitan ng 23-gulang na si Torres ang national record ni Percela Molina na 12.56m na kanyang naitala noong 2001edi-tion ng torneong ito. Nilampasan din ni Torres ang kanyang personal best na 12.46m.

Nadismaya naman si Bulauitan sa kanyang performance sa women’s 100m dash nang magkasya lamang ito sa silver medal finish sa likod ni Shu Yen ng China na nag-rehistro ng 11.84 segundo para sa gold habang bronze ang nakuha ni Honey Joy Ortalez.

Nakapagdilver din sa wakas ang 7-man Philip-pine Overseas team nang isukbit ni Kashus Perona ang gold sa 400M run sa bilis na 47.26 seconds.

Si Ernie Candelario ng national mainstay ay nagtala ng 47.47 seconds para sa silver at ang bronze ay sa kanyang RP teammate na si Jimar Aing sa 47.66 segundo.

DIWATA PELAEZ

ELMA MUROS-POSADAS

HONEY JOY ORTALEZ

JIMAR AING

JULIUS ROSE FORBES

KANYANG

KASHUS PERONA

LERMA BULAUITAN-GABITO

MARY GRACE MELGAR

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with