^

PSN Palaro

Navymen overall champ

-
Dahil sa kanilang taglay na agresibong lakas, muling ipinamalas ng Philippine Navy ang kanilang supremidad nang kanilang ibulsa ang 8 mula sa 9 na gintong medalyang pinaglabanan sa senior category at mapasakamay ang division title sa pagtatapos ng 2004 National Juniors, Seniors and Women’s Amateur Boxing Championships sa Panabo Multi-Purpose gym.

Ang kampanya ng Navy team ay binanderahan nina SEA Games veteran Junie Tizon at Ferdie Gamo ng kanilang walisin ang open category kung saan tanging ang paboritong si Larry Semillano lamang ang nabigong manalo makaraang lumasap ng 15-14 pagkatalo sa mga kamay ni Francis Joven ng Philippine Army sa welterweight class.

Umagaw naman ng atensiyon ang RP team sophomore na si Albert Pabila na umukit ng gold sa pinweight class makaraang igupo si Marvin Somodio 34-13, nang kanyang mapagwagian ang ‘Best Boxer’ sa seniors category ng taunang tournament na ito.

Tanging ang 24-anyos na si Joeven ang nakaligtas sa pananalasa ng Navy team matapos na mapuwersa ni Franklin Albia ang Armyman na si Ernanie Desabille na magretiro may 1:16 sa fourth round ng kanilang lightflyweight fight, habang umiskor naman si Tizon ng RSC-O na panalo sa 29 segundo ng third round kontra sa Airman na si Mary Joy Tagbe sa lightheavyweight finals.

Ang iba pang nagsubi ng ginto ay sina Joan Tipon sa bantamweight class, Joegin Ladon sa lightweight fight, War-lito Parinas sa flyweight category, featherweight Ferdie Gamo at lightwelterweight Mark Jason Millegen.

ALBERT PABILA

AMATEUR BOXING CHAMPIONSHIPS

BEST BOXER

ERNANIE DESABILLE

FERDIE GAMO

FRANCIS JOVEN

FRANKLIN ALBIA

JOAN TIPON

JOEGIN LADON

JUNIE TIZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with