Tangan ang halos-perpektong 10-1 rekord, ang Water Force ay nangangailangan na lamang na magwagi ng isa sa susunod nilang 5 asignatura sa yugtong ito ng torneo upang maduplikahan ang ginawa nila sa unang edisyon ng Unity Cup noong isang taon, kung saan tumapos sila bilang runner-up sa Teeth Sparklers.
Ang dalawa ay papagitna sa ika-4 ng hapon matapos ang isa ring importanteng sultada sa pagitan ng Welcoat Paints at Toyota Otis-Letran sa alas-dos.
"Ayaw kong bilangin kung ilang sunod na yung panalo namin, and I also dont want to think that we only need to win one game. We have the responsibility to GOD, to the crowd, to the management, and to ourselves to win every game," wika ni Viva mentor Koy Banal, matapos ang 84-69 demolisyon ng kanyang tropa sa Knights kamakalawa --ang kanilang ika-8 sunod na panalo.
Kung maginhawa ang sitwasyon ng Water Force, mahirap naman ang kinatata-yuan ng Teeth Sparklers, na sa 5-6 karta ay may dalawang larong pagkakahuli sa puma-pangalawang Paintmasters.
"This is a crucial game for us so its a must-win. Ang layo na ng hahabulin namin kung matatalo pa kami ulit," ani Hapee coach Junel Baculi, na ang kanilang misyong maide-pensa ang titulo ay nakatamo ng matinding dagok kamaka-lawa nang lampasuhin sila ng Welcoat, 70-50.
Kung parehong mananalo ang Water Force at Paint-masters (7-4), ang tanging paraang matitira sa Teeth Sparklers at Knights -- na may 4-7 marka, ay ang walisin ang huli nilang 4 na laro para makakuha ng playoff sa ilalim ng 4-of-6 incentive rule. (IB)