Shakey's V-League sasambulat bukas
May 29, 2004 | 12:00am
Umaasa ng kapana-panabik na laban sa pagitan ng mga mahuhusay na womens volleyball team sa pagpalo ng Shakeys V-League bukas na pamumunuan ng collegiate champions San Sebastian at De La Salle sa Lyceum gym.
Bagamat paborito ang SSC at La Salle na mag-aagawan sa korona dahil sa kanilang solido at intact na lineup. Ang apat pang ibang koponan ng 6-team fields ay magbibigay ng matinding banta para sa pangunahing karangalan sa pagbabalik ng womens volleyball na iki-nalat sa loob ng anim na linggo.
Unang magiging tinik ang University of Santo Tomas, na pinalakas ng mga miyembro ng national team na kinabibilangan nina Brigit Inoferio at Mary Jean Balse, ang top center at open spikers, ayon sa pagkakasunod.
Ang iba pang koponang kasali sa anim na linggong torneo kung sa-an ang Mikasa ang official ball at Accel ang official outfitter ay ang Letran, Far Eastern U at NCRAA champion Lyceum.
Sa opening games, nakatakdang magharap ang Letran at Lyceum sa ganap na alas-5 ng hapon matapos ang maikling opening rites sa alas-4 ng hapon. Magtatagpo naman ang UST at La Salle sa ganap na alas-7 ng gabi. Kung saan ang first game ay live na mapapanood sa Channel 13.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended