5 Navy boxers nasa finals
May 29, 2004 | 12:00am
Patuloy ang pagdomina ng Philippine Navy boxing team nang limang boksingero nila ang pumasok sa finals ng 2004 National Juniors, Seniors and Womens Amateur Boxing Championships sa Panabo Multi-Purpose Hall.
Tanging si Lhyven Salazar lamang ang nabigong umusad sa final round makaraang mabigo ito sa kakamping si Warlito Parinas, 21-22 sa kanilang flyweight match habang sina Salvador Tizon, Mark Jason Millegen, Ferdie Gamo at Albert Pabilar ay nakasiguro na ng bronze medal sa taunang torneo na inorganisa ng Amateur Boxing Association of the Philippines at iniho-host ni Davao del Norte Rep. Tony Boy Floriendo.
Tinalo ng 24 anyos na si Millegen si Jefferson Villacorte ng Davao City sa pamamagitan ng RSC-O sa 1:08 ng ikalawang round upang mapuwersa ang all-Navy lightwelterweight finals kontra kay Tizon.
Ang beterano ng SEA Games na si Tizon, ay umiskor naman ng magaan na 11-5 panalo kontra kay Rommel Salesaje ng South Cotabato sa isa pang laban sa semis, habang makakaharap naman ni Parinas si Michael Apolinario ng Maas, Saranggani na nagwagi kay Romelo Candia ng Davao City,11-6 sa flyweight div.
Kinailangan naman ni Gamo ng ekstrang pitong minuto upang patalsikin ang Davaoeño na si Alexis Daimale via RSC upang isaayos naman ang final showdown kay Decembrix Ambray ng Philippine Air Force, na nagwagi sa pamamagitan ng RSC-O sa 1:40 ng second round na laban naman kay Rex Bernie Dimalesa sa featherweight contest.
Tanging ang 22 anyos na si Apolinario at Marvin Somodio ng Ringside team, ang nakalusot sa dominasyon ng military boxing teams nang manaig ito kay Joeven Hisona sa loob ng 35 segundo ng first round.
Ang 23 anyos naman si Somodio ay makakalaban si Pabilar sa pinweight finals.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended