^

PSN Palaro

Navy pugs nagpamalas ng dominasyon

-
Muling nagpamalas ng husay ang isang miyembro ng RP national pool nang pabagsakin ni Ferdie Gamo si SEA Games veteran Roel Laguna upang pangunahan ang 7 pang Navymen tungo sa semifinal round ng 2004 National Junior, Senior at Women’s Amateur Boxing Championships sa harap ng manonood sa Panabo Multi-Purpose gym.

Ang 24 anyos na si Gamo, beterano din ng ilang international tournaments, ay nakaligtas sa huling kaliwa’t kanang suntok sa katawan para sa 20-18 decision at pumasok sa susunod na round ng feather-weight class. Makakaharap niya si Alexis Diamante ng Davao City na nanaig naman kay Dick Pasculado ng Saranggani.

Pinigil naman ni Johnny Cadiaga ng Navy si Rex Peña-losa ng Cotabato Province sa loob ng 1:46 oras ng first round sa kanilang lightflyweight bout na agad sinundan ng panalo ng kakamping si Franklin Alba kontra naman kay Giovanne Ubas ng Compostela Valley sa pamamagitan ng RSC-O.

Tatlong boksingero ng Philippine Air force ang umusad sa susunod na round sa pangunguna ni Decebrix Ambray na umiskor ng 25-10 decision kontra kay Lloyd Francisco ng Mindoro sa flyweight at pinigil naman ni Jovive Eugenio si Ruben Rosa ng Koronadal City sa 1:57 ng ikalawang round sa lightflyweight class.

Si Ernanie Despabille ang natatanging Armyman na nakalusot nang umiskor ito nang magaan na 23-5 panalo laban naman kay Edwin Virtudazo ng host Panabo City sa gayunding division.

Dalawang Palawan lady-puglist naman ang pinahanga ang halos kalalakihang manonood nang magpamalas ng lakas ang magandang si Josei Gabuco na nangailangan ng 57 seconds para idispatsa si Arianne Jamine ng Zamboanga sa kanilang pinweight fight at Gretchen Abaniel na nanaig kay Cindy Comcon sa pamamagitan ng RSC-O sa 1:22 ng kanilang first round match.

Umabante din sa susunod na round sina bantamweight Vincent Palicte ng Navy na umiskor ng RSC-O kay Mike Tubigon ng Pasig City at Randy Cuanan ng Bukidnon na namayani naman kay Anas-tacio Miranda ng Sto. Tomas, Davao Del Norte, 15-5.

Haharapin naman ni Navyman Jon Tipon si Rico Laput ng Air Force sa susunod na round makaraang umiskor ng 15-5 panalo kay Jerope Mercado ng Gingoog City. Tinalo naman ni Laput si Rolando Magbanuan ng Cotabato Province.

AIR FORCE

ALEXIS DIAMANTE

AMATEUR BOXING CHAMPIONSHIPS

ARIANNE JAMINE

CINDY COMCON

COMPOSTELA VALLEY

COTABATO PROVINCE

KAY

NAMAN

ROUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with