Kasama ang NBA Most Improved Player sa grupong nagtuturo sa mga magagaling na batang manlalaro sa Asya.
Ang isang bagong kasangkapan ng Adidas sa pagpapala-wak ng kaalaman sa basketbol ay ang pagtuturo ng tinatawag nilang "Basketball English."
Ano ang kahalagahan nito?
Una, hindi marunong magsalita ang karamihan ng mga Intsik, at namalas ito sa paghihirap na dinaanan nila Wang Zhizhi at Yao Ming nang pumasok sila sa NBA.
Pangalawa, ang basketbol ay teknikal na lingo, kaya hiNdi maisasalin ng wasto.
Pangatlo, naghahanap ang NBA scouts na mga player sa mga bansa tulad ng Tsina. Mas madali ang pagsasanay kung alam na nila ang mga termino ng laro.
Halimbawa, paano natin maisasalin ang "pick and roll" at "triple-threat position" ng wasto?
Mahirap, di ba?
Malalaki ang mga player sa China. Sa 50 nasa Superstar Camp, iilan lang ang di umabot sa 67" o dalawang metro ang tangkad.
Kung balak nilang maglaro ng pro sa Amerika, kailangang magkaintindihan sila ng mga coach.
Mga professor ng Linguistics ng University of Pittsburgh ang nagtuturo ng Basketball English.
At dahil nakakaintindi rin sila ng Mandarin, sensitibo sila sa mga emosyon ng mga player.
Hindi nila hinihiya ang mga ito. Sa halip, pinalalakas pa nila ang loob.
Dahil sa programang ito, mapapadali ang pagpasok ng mas maraming Asian sa NBA, sa pangunguna ng mga Intsik.
Pero sana ay makasunod na ang mga Pilipino.