^

PSN Palaro

RP National Pool members nanalasa

-
Tulad ng inaasahan muling ibinalik ng RP national pool members ang kanilang supremidad sa pag-usad ng 2004 National Juniors, Seniors at Women’s Amateur Boxing Championships sa Panabo Multi-Purpose Hall.

Kumunekta ang Armyman na si Genebert Basadre, na lumaban sa China Olympic qualifying, nang solidong straight sa mukha ni Esmael Bacongon ng Philippine Air Force para sa magaan na RSC win sa 35 seconds ng ikatlong round ng kanilang senior featherweight bout.

Hindi rin nagpahuli si Navy-man Joegin Ladon, beterano naman ng Karachi, Pakistan Olympic qualifying, nang mangailangan lamang ito ng isang minuto at 58 segundo para dispatsahin si Oliver Cartagena ng Compostela Valley sa featherweight class upang makasama ang anim pang iba sa quarterfinal round.

Umabante din sa susunod na round sina RP mainstay Francis Joven ng Army, na umiskor ng RSC-O panalo kay Richard Dimaluan ng Manda-luyong City sa welterweight habang si Joe Barriga naman ng Air Force ay nanaig kay Paul Christian de Asis, 68-42 decision.

Ang iba pang nagwagi ay sina Marvin Somodio na nanaig kay Chito Borlaza ng Kapatong, 44-29, sa pinweight category at Bill Vecera ng Negros Occidental kontra naman kay Rojie Umbay ng Panabo City, 59-47, sa naturan ding division.

Pinabagsak naman ni Albert Pabila ng Philippine Navy si Rowell Bersal ng Sorsogon (RSC-O) upang makasama si Roem de la China ng South Cotabato, na nagwagi naman kay Efren Temblor ng Gingoog City, patungo sa quarterfinals ng welterweight class.

AIR FORCE

ALBERT PABILA

AMATEUR BOXING CHAMPIONSHIPS

BILL VECERA

CHINA OLYMPIC

CHITO BORLAZA

COMPOSTELA VALLEY

EFREN TEMBLOR

ESMAEL BACONGON

FRANCIS JOVEN

GENEBERT BASADRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with