^

PSN Palaro

Aksiyon sa PBL Unity Cup semis bubulusok

-
Ang tumatrangkong Viva Mineral Water-FEU laban sa nabuhayang Toyota Otis-Letran at ang nagtatanggol na kampeong Hapee Toothpaste kontra sa bumubulusok na Welcoat Paints ang tampok ngayon sa dala-wang sultadang huhudyat sa pagbubukas ng semi-final round ng PBL 2004 Unity Cup sa Pasig Sports Center.

Ang hostilidad ay mag-uumpisa sa ganap na alas-dos ng hapon kung saan itataya ng Water Force -- ang pinakamainit na koponan sa kasalukuyan--ang kanilang 7-game winning streak at league-best 9-1 rekord sa pagod na Knights.

Ang Teeth Sparklers at Paintmasters ay magtatapat sa ika-4 ng hapon.

Ang apat na natitirang koponang ito, dala ang kanilang mga marka sa eliminasyon, ay maghaharap-harap sa isang double round-robin (tig-aanim na laro bawat isa), kung saan ang dalawang may pinakamagandang karta matapos nito ang siyang magsasagupa sa best-of-5 seryeng kampeonato. Ang mahuhuling dalawa, ang siyang maglalaban para sa third place honor.

Sa tangan nilang rekord, na nagbigay sa kanila ng tatlong larong bentahe laban sa pinakamalapit na katunggali, kailangan na lang ng Viva ng dalawang panalo upang makuha ang isang finals slot.

Ang kanilang tanging kabiguan sa elimination phase ay ang 89-80 pag-yuko sa Welcoat noong Abril 6, bagay na naipaghiganti na nila sa muli nilang pagtatagpo noong Mayo 18 nang ipasok ni Denok Miranda ang kan-yang tira may 1.6 segundo ang nalalabi para sa 73-71 tagumpay.

Ang tropang ito ni coach Koy Banal ay dalawang beses na nagwagi laban sa Toyota sa komperensyang ito sa average na 14 puntos na kalamangan.

Ang Knights ay may 4-6 karta at kinailangan muna nitong lusutan ang Montana Pawnshop, 73-70 kamakalawa sa kanilang do-or-die- quarterfinals match para makasampa sa bahaging ito ng kompetisyon.

Samantala, matapos ang namamayagpag na pasimula sa torneo, kung saan kanilang pinagwagian ang 6 sa unang 7 asignatura, ang Welcoat (6-4) ay nasadlak ngayon sa 3 kabit na pagkatalo at ang pagbulusok na ito ang nais arestuhin ng mga bata ni coach Caloy Garcia sa pagtutuos nila ng Hapee (5-5). (Ulat ni IAN BRION)

vuukle comment

ANG KNIGHTS

ANG TEETH SPARKLERS

CALOY GARCIA

DENOK MIRANDA

HAPEE TOOTHPASTE

KOY BANAL

MONTANA PAWNSHOP

PASIG SPORTS CENTER

TOYOTA OTIS-LETRAN

UNITY CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with