PBA Fiesta Conference: Guiao,Gregorio pinagmulta
May 26, 2004 | 12:00am
Hindi pinalampas ng Philippine Basketball Association ang mga komento nina Red bull coach Yeng Guiao at Purefoods mentor Ryan Gregorio ukol sa officiating ng kanilang triple overtime game noong Sabado sa Ynares Center na pinagwagian ng Barakos, 141-138.
Pinagmulta ang dalawang mentor na bumatikos hindi lamang sa officiating ng kanilang laban kundi sa kabuuan ng Fiesta Conference.
Hindi sinabi kung magkano ang multa ng dalawang coach na tahasang nagpahayag ng kanilang galit sa mga tawag ng referees, ngunit tinatayang hindi ito tatas sa P30,000.
"Its just absurd, its crazy. Its out of this world. Its an abberation," ang mga katagang tinuran ni Guiao ukol sa triple overtime game na ngayon lamang nangyari mula noong 1993, kung saan 117 fouls ang itinawag ng mga referees na sina Ogie Ramos, Nolito Fabrez at Joey Nolasco.
"Officiating has been bad in this tournament and the PBA should look at this," dagdag pa ni Guiao.
Ganito rin ang sentimiyento ni Gregorio. "Its an under statement for me to say that its a bad officiating. Its the worse officiating in this tournament."
Samantala, sinuspindi at pinagmulta naman ang tatlong referees na nag-officiate ng naturang laro dahil sa maraming maling tawag na di naitawag.
Sa pagbabalik aksiyon, tatlong koponan pa ang naghahabol sa Coca-Cola para sa natitrang awtomatikong quarterfinals slot.
At para mapasakamay ng Tigers ang naturang biyaya na ipagkaka-loob sa top two teams pagkatapos ng eliminations, ang kailangan nilang gawin ay ipanalo ang huling dalawang laro.
Ang una ay kontra sa Talk N Text ngayong hapon sa alas-4:45 sa Araneta Coliseum at ang huli ay kontra sa Shell para samahan ang quarterfinalists nang San Miguel Beer, 15-2 na di na dadaan pa sa wild card phase.
Magtitiyaga pa rin ang Tigers kay import Mark Sanford kahit na patuloy nitong iniinda ang injury sa magkabilang tuhod. Kahit nandito na sa bansa si Tate Decker, hindi pa rin ito ipinapalit ni coach Chot Reyes.
Dahil dito, kailangan ng ibayong tulong ni Sanford. Mabuiti na lamang ay magbabalik na sa laro si Rudy Hatfield.
Sa ikalawang laro, magsasagupa naman sa no-bearing game ang Shell (6-10) at Sta. Lucia (8-9) sa alas-7:10 ng gabi. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest