Mahirap na misyon nais lusutan ng Blu Star
May 22, 2004 | 12:00am
Sariwa pa sa paglusot sa dinaanang knockout match, isa na namang mahirap na misyon ang susuungin ng Blu Star Advance at Montana Pawn-shop sa pagsabak nila ngayon sa quarterfinals ng Philippine Basketball League 2004 Unity Cup sa Letran Gym sa Intra-muros.
Bukod sa do-or-die na sit-wasyon, ang Detergent Kings at Jewels ay kailangang magwagi ng dalawang sunod laban sa kanilang katunggali upang maka-abante sa kasu-nod pang yugto ng torneong ito at mapanatiling buhay ang kanilang aspirasyon sa titulo.
Makakasagupa ng Blu Star ang defending champion Ha-pee Toothpaste sa unang sultada sa alas-dos habang makikipagtuos ang Montana sa Toyota Otis-Letran sa ika-4 ng hapong engkuwentro.
Ang Teeth Sparklers at Knights, na siyang pumosisyon bilang No.3 at No.4 seed matapos ang eliminasyon, ay may hawak na twice-to-beat na bentahe at kung mananalo ay agad na aakyat sa semifinals, kasama ang nauna nang Viva Mineral Water-FEU at Welcoat Paints.
Ang Water Force at Paint Masters, na may 9-1 at 6-4 marka, ayon sa pagkakasu-nod, ay ginawaran ng awtoma-tikong Final Four slot bunga ng kanilang 1-2 finish sa elimi-nation phase.
Bukod sa twice-to-beat na bentahe na tangan ng kanilang oposisyon, dehado rin ang Detergent Kings dahil sa hindi pa nito natatalo ang Teeth Sparklers sa komperensyang ito. Sa kanilang tanging pagta-tagpo noong eliminasyon, na-naig ang Hapee, 83-74.
Subalit ang Blu Star ay nanalo ng 4 sa huli nilang 5 laro, kabilang ang 63-58 pag-ungos sa Lee Pipes-Ateneo sa ka-nilang knockout match kama-kalawa, na siyang nagpapa-lakas ng moral ng koponan.
Ang Teeth Sparklers na-man ay nagwagi lamang ng 2 sa huling 6 nilang laro.
Sa kabilang panig, ang Jewels ang siyang nagtagum-pay sa una nilang pagtatapat ng Knights, kung saan ipinoste nito ang 73-63 desisyon noon lamang Mayo 8.
Ang Montana, na 3-1 sa nakalipas nilang 4 na pag-palaot, ay nakarating sa yug-tong ito matapos nilang pabag-sakin ang Sunkist-UST, 86-59, kamakalawa. Ang Toyota ay isa lamang ang naipanalo sa huli nilang 5 asignatura. (IBrion)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended