^

PSN Palaro

PBA Fiesta Conference: Thomas nagpakitang gilas

-
Kahit gahibla lamang ang tsansa ng Red Bull na lumanding sa top two, hindi sila nawawalan ng pag-asang makakuha ng awtomatikong quarterfinal slot sa PBA Gran Matador Fiesta Conference.

Ito ang kanilang motibasyon kaya naman kahit mahigpit na hamon ang kanilang tinanggap mula sa mga kamay ng Ba-angay Ginebra kagabi sa Araneta Coliseum, naip-wersa nila ang 101-98 panalo.

Ito’y dahil na rin kay import Victor Thomas na bagamat hindi dominanteng import ay naasahan ng Barakos kagabi matapos itong umiskor ng mahahalagang basket sa gitgitang fourth quarter at nagsagawa ng dalawang mahahalagang blocks sa endgame.

Umiskor si Thomas ng 10 puntos sa ikaapat na quarter para sa kabuuang 26-puntos na kanyang kinumpleto nang magsagawa ito ng spin move laban sa dehadong defender na si Rodney Santos para ibalik sa Red Bull ang trangko, 99-98.

Hindi naman pinayagan ni Thomas na maka-iskor ang Ginebra nang supalpalin nito si Torraye Braggs sa sumunod na play at agad na nakakuha ng foul si Jimwell Torion mula kay Rodney Santos na umiskor ng dalawang freethrows para sa final score.

Ginising ni Homer Se ang pananahimik ng kanyang kampo nang umiskor ito ng pitong sunod na puntos sa umpisa ng ikalawang quarter para iahon sa 13 point deficit ang Barakos at kunin ang 48-44 bentahe sa half-time.

Mula sa 27-14 kalamangan ng Ginebra, nilimitahan ng Red Bull sa 17 puntos ang Gin Kings sa ikalawang canto kas-bay ng paghakot ng 34-puntos ng Red Bull sa pangunguna ni Se na may siyam na puntos para agawin ang kalamangan.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang FedEx at Sta. Lucia. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

ARANETA COLISEUM

BARAKOS

CARMELA V

GIN KINGS

GINEBRA

GRAN MATADOR FIESTA CONFERENCE

HOMER SE

RED BULL

RODNEY SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with