^

PSN Palaro

Do-or-die playoff sa PBL Unity Cup

-
Hindi naging sapat ang halos dalawang buwang eliminasyon ng Philippine Basketball League 2004 Unity Cup para madetermina kung sino ang dalawang koponang unang matatanggal sa kontensyon at ito ay malalaman pa lamang pagkatapos ng dalawang do-or-die playoff match na sisiklab ngayon sa Blue Eagle Gym.

Maghaharap ang Montana Pawnshop at Sunkist-UST sa ika-2 ng hapon habang magtutuos ang Blu Star Advance at Lee Pipes-Ateneo sa alas-4, kung saan ang magtatagumpay ang siyang aangkin sa nalala-bing quarterfinals slot habang ang mabibigo ay tatanggap ng tiket patu-ngo sa maagang bakas-yon.

Ang naturang apat na koponan, kasama ang Toyota Otis-Letran, ay lahat nagtala ng 4-6 rekord sa kanilang 10 asignatura sa katatapos na intra-inter eliminations na nagtali sa kanila sa pagkakatabla para sa ika-4 hanggang ika-8 pwesto sa likod ng Viva Mineral Water-FEU (9-1), Welcoat Paints (6-4) at defending champion Hapee Toothpaste (5-5).

Dahil sa pinakama-taas nitong quotient, ang Knights ang iniakyat bilang no.4 seed at awtomatikong nakasama ng no.3 na Teeth Spark-lers sa quarterfinals, kung saan sila ay kapwa may-roong twice-to-beat na bentahe.

Ang Sunkist ang si-yang naluklok bilang no.5 at kanilang makakatapat ang No.8 na Montana. (Ulat ni IAN BRION)

ANG SUNKIST

BLU STAR ADVANCE

BLUE EAGLE GYM

HAPEE TOOTHPASTE

LEE PIPES-ATENEO

MONTANA PAWNSHOP

PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE

TEETH SPARK

TOYOTA OTIS-LETRAN

UNITY CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with