$2,500 para sa Olympic-bound na atletang Pinoy
May 15, 2004 | 12:00am
Tatanggap ng karagdagang training expense na $2,500 ang bawat isang atletang Pinoy mula sa Philip-pine Olympic Committee at Olympic Solidarity na nakapasok sa Athens Olympics.
"The amount may not be big but it will definitely help our athletes prepare for the Athens Olympics," ani POC president Celso L. Dayrit.
Ang mga tatanggap ng scholarship grants ay sina swimmers Miguel Mendoza at Miguel Molina, archer Jasmin Figueroa, tracksters Eduardo Buenavista at Lerma Bulauitan, boxers Violito Payla, Chris-topher Camat, Romeo Brin at Harry Tanamor, trap shooter Jethro Dionisio at taekwondo jins Donald Geisler III, Tshomlee Go, at Mary Antoinette Rivero.
Tatanggapin ng mga atleta ang kanilang tulong na pinansiyal mula sa kani-kanilang National Sports Association.
Ayon kay Dayrit, ang limita-dong scholarship program ay dinibelop ng Olympic Solidarity upang tulungan ang ibat ibang NOCs mula sa limang kontinente.
Bagamat hindi lahat ng scholarship-holder ay magpa-partisipa sa games, ang resulta ay positibong signipikante tulad ng naganap noong 1996 Atlanta kung saan 18 mula sa 200 atleta ang nagwagi ng Olympics medals at noong 2000 Sydney naman ay 61 mula sa 470 scholars ang humakot ng medalya.
Labing-pitong Asian NOCs ang tumanggap ng grants noong 1996 habang 19 NOCs naman ay nagbenepisyo noong 2000.
Sina shooter George Earn-shaw, archer Jennifer Chan at wrestler Melchor Tumasis ang unang tatlong Pinoy na tu-manggap ng scholarship.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am