Si Marquez na tatlong ulit na pinabagsak sa unang round ni Pacquiao noong Sabado ng gabi ng kanilang laban ay nakuntento lamang sa split draw matapos ang mainit na 12 rounds sa harap ng 7,127 manonood sa MGM Grand sa Las Vegas.
Sa kabila ng tatlong ulit na ginawang pagpapabagsak ng paboritong si Pacquiao, hindi ito magiging sagabal sa kampanya ni Marquez na naglabas naman ng atake sa pagtatapos ng laban, naniniwala ang maraming ringsiders na siya ang maagang kandidato para sa Fight of the Year sa taong ito.
At ang karagdagang tikas na ipinamalas ni Marquez ang naging ugat ng breathtaking draw makaraang magbigay si John Stewart ng 115-110 iskor pabor kay Pacquiao, umiskor naman si Guy Jutras ng 115-110 para kay Marquez at si Burt Clements ay 113-113.
At nakaapekto rin kay Pacquiao ang impresibong performance ni Marquez sa standing ng USA Today sa maikling listahan ng worlds 12 best fighters pound-for-pound.
Bago ang kanilang May 8 na laban, si Manny ay naitala na kabilang sa anim na top boxers sa mundo.
Samantala, isang heros welcome ang sumalubong kay "Peoples Champion" Manny Pacquiao nang dumating ito kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport Centennial Terminal 2.
Bago lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Pacquiao buhat sa Estados Unidos, ay halos wala ng madaanan sa arrival area dahil sa dami ng mga tagahangang matiyagang naghintay sa kanya.
Bagamat hindi naiuwi ni Pacquiao ang korona na kanyang pinakamimithi at inaasam ng mga Pilipino, mainit pa din ang pagtanggap sa kanya ng kanyang mga tagahanga dahil naniniwala ang mga ito na siya ang tunay na nanalo sa kanilang laban ni IBF at WBA featherweight champion Juan Manuel Marquez ng Mexico
Sinabi ni Pacquiao na nang matapos ang laban at napaiyak siya dahil sa paka-kadismaya sa naging hatol ng mga hurado.
Magpapahinga muna si Pacquiao ng dalawang buwan at pagagalingin ang kanyang kamay bago muling sumabak sa training upang paghandaan ang kanyang susunod na laban.