Tunay na kampeon si Pacquiao
May 12, 2004 | 12:00am
Nakaraos na rin tayo sa eleksyon.
Pero hindi pa tayo nakakaraos sa bilangan.
At ito ang pinaka-importante sa lahat, dahil madalas, ito ang dahilan para sa mga reklamo na nagiging mitsa ng kaguluhan.
Isa lang na nadaya ang mag-aya ng protesta, susunod na rin ang iba pang talunan na hindi rin matanggap ang pagkatalo nila.
Kung naging generally peaceful man nung Lunes, sanay patuloy na magdasal ang sambayanan na sanay mas maging peaceful at honest ang bilangan.
Pag naayos na yan at may proklamasyon na sa June 30 para sa lahat ng nanalong kandidato, uusad na muli ang ating bansa.
Pipilitin nating malaman kung ano ang mangyayari sa kandidatura ng mga sports celebrities na tumakbo ngayong eleksyon. Kabilang dyan sina Philip Cezar, Atoy Co, Franz Pumaren, Yoyong Martirez, Yeng Guiao, Roehl Nadurata, Pido Jarencio, Tito Varela, Mar Morelos, Bong Coo, Dodot Jaworski, Jun Cabalan na dating team manager ng Ginebra San Miguel, at si PBA legend Robert Jaworski na tumakbo muli bilang senador.
Malalaman natin kung sinu-sino sa kanila ang makaka-lusot....
Isang PBL coach (si JB) at isang NCAA coach na dati na rin namang nag-coach sa PBA at ngayon eh nasa PBL naman (siya naman si LA) ang siyang pinagpipilian ng isang PBA team kung sakaling magdesisyon sila na magpapalit na sila ng head coach nila.
Yan ay of course depende sa resulta ng mga susunod na laro pa ng PBA team na ito.
Napapanahon na para kay coach JB na makarating na sa PBA dahil marami na rin naman siyang nagawa na sa PBL.
Pero si Coach LA ay magaling din naman kaya tiyak na mahihirapan ang management ng PBA team na ito just in case na magdesisyon na sila.
Ang maganda lang nito, nakahandang tanggapin ng kasalukuyang coach ng PBA team na ito ang kanyang kapalaran kung sakaling palitan na nga naman siyang head coach.
Nakakatuwa namang makita ang suporta ng mga Pinoy na nasa Amerika kay Manny Pacquiao nung nakaraang laban nito.
Buong Pilipinas, tumutok sa laban ni Manny kahit na sangkaterba ang commercials sa TV coverage.
I am sure nagdasal ang mga producers na tumagal ng 12 rounds ang laban dahil tiyak na naipasok lahat ng commercials. Sa sobrang mahal ng magagastos sa coverage na yon, ma-imagine mo ang laking lugi nila kung natapos agad sa first round ang laban ni Pacquiao.
Anyway, obvious na nanalo si Manny Pacquiao sa laban na yun.
Walang dapat ikahiya si Manny dahil sa puso ng milyong-milyong nakapanood ng laban na yun, siya ang nanalo at hindi tabla.
Pero hindi pa tayo nakakaraos sa bilangan.
At ito ang pinaka-importante sa lahat, dahil madalas, ito ang dahilan para sa mga reklamo na nagiging mitsa ng kaguluhan.
Isa lang na nadaya ang mag-aya ng protesta, susunod na rin ang iba pang talunan na hindi rin matanggap ang pagkatalo nila.
Kung naging generally peaceful man nung Lunes, sanay patuloy na magdasal ang sambayanan na sanay mas maging peaceful at honest ang bilangan.
Pag naayos na yan at may proklamasyon na sa June 30 para sa lahat ng nanalong kandidato, uusad na muli ang ating bansa.
Malalaman natin kung sinu-sino sa kanila ang makaka-lusot....
Yan ay of course depende sa resulta ng mga susunod na laro pa ng PBA team na ito.
Napapanahon na para kay coach JB na makarating na sa PBA dahil marami na rin naman siyang nagawa na sa PBL.
Pero si Coach LA ay magaling din naman kaya tiyak na mahihirapan ang management ng PBA team na ito just in case na magdesisyon na sila.
Ang maganda lang nito, nakahandang tanggapin ng kasalukuyang coach ng PBA team na ito ang kanyang kapalaran kung sakaling palitan na nga naman siyang head coach.
Buong Pilipinas, tumutok sa laban ni Manny kahit na sangkaterba ang commercials sa TV coverage.
I am sure nagdasal ang mga producers na tumagal ng 12 rounds ang laban dahil tiyak na naipasok lahat ng commercials. Sa sobrang mahal ng magagastos sa coverage na yon, ma-imagine mo ang laking lugi nila kung natapos agad sa first round ang laban ni Pacquiao.
Anyway, obvious na nanalo si Manny Pacquiao sa laban na yun.
Walang dapat ikahiya si Manny dahil sa puso ng milyong-milyong nakapanood ng laban na yun, siya ang nanalo at hindi tabla.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended