Ito ay matapos niyang pangunahan ang isa sa pinakamalaking kategorya -- ang scoring -- patungo sa pagtatapos ng elimination round ng torneong ito.
Ang 6-foot-2 na si Tangkay ay pumupukol ngayon ng 18.56 puntos kada laro, na sinasamahan pa niya ng pagtala ng average na 5.0 rebounds, 1.8 steals at 1.3 assists sa 23 minutong pagsalang.
Siya ay pumapangatlo rin sa 2-point field goal shooting sa ginagawa niyang 64.8% pag-asinta.
Ang Paint Masters na may 6 na panalo sa 9 na asignatura ay nakasisiguro na ng awtomatikong slot sa semifinals at ang isa sa pangunahing dahilan nito ay ang magandang ipinapakita ni Tangkay.
Nasa ikalawang puwesto sa scoring department at isa rin sa paborito para sa naturang pina-kamataas na parangal sa indibidwal na manlalaro ay si Arwind Santos ng tumatrangkong Viva Mineral Water-FEU na kumakana ng 17.38 puntos na average sa kanyang 8 larong sinalangan -- pito dito ay kanilang pinagwagian.
Ang high leaper na si Santos ang siya ring pinakamahusay sumapal ng bola sa ipinoste niyang 2.25 blocks per game at ang kanyang 9.75 rebounds per game ang siyang pumapangalawa sa buong liga.
Ang iba pang mga nangunguna sa pag-iskor ng puntos ay sina Eric dela Cuesta ng Blu Star Detergent (16.5 ppg), Ronjay Enrile ng Toyota Otis-Letran (16.44 ppg), at Chester Tolomia ng Welcoat (16.0 ppg).
Ang rebounding department ay pinaghaharian naman ni Jon Dan Salvador ng Montana Pawnshop na humahatak ng 10.67 rebounds habang ang Water Force backcourt duo na sina Denok Miranda at Warren Ybañez ang siyang pinakamagaling pumasa at umagaw ng bola, ayon sa pagkakasunod. Si Miranda ay nag-iisyu ng 6.38 assists kada laro habang si Ybañez naman ay nagtatala ng 2.0 steals per game.
Ang Lee Pipes-Ateneo top shooter na si Larry Fonacier naman ang pinaka-asintado sa freethrow, kung saan 87.5% ng kanyang tira dito ang pumapasok. (Ulat ni IAN BRION)