Kaya heto na naman ang mga politiko at panay ang sakay sa tagumpay na ito.
Malapit na ang eleksiyon at ang karangalan na ito ni Rosales ay talagang mababahiran ng politika.
Parang awa na ninyo naman! Tantanan nyo naman ang sports. Tama na yung kahit papaano eh natatakpan ang mga hindi magandang nagaganap sa ating bansa ng mga kara-ngalang ibinibigay ng ating atleta.
Yun lang!
Congrats sa iyo Rhyan!
Mabuti pa si Arnel Quirimit. Kahit na trinangkaso na ito at halos gulapay na ay tinapos pa rin ang karera. Katunayan. pumuwesto pa sa Top 20.
Isa pang sayang ay si Henry Domingo. Ilang araw din siyang nag-overall leader pero, tulad ng mga nangyayari sa kanya sa mga nakaraang tour, laging nalalaglag pagdating sa Baguio-to-Baguio lap. Mabuti na lang at siya pa rin ang Sprint King. Talagang mahusay siya sa patag at kulang sa akyatan.
Okay na yun.
Isa pa ring dapat bantayan sa mga susunod na tour ay si Lloyd Reynante.
Mahusay ang batang ito!